OS46: THE EYES OF LOVE

4 2 0
                                    

THE EYES OF LOVE

"If someone misses my existence, who will that be?" tanong ko sa kanila ngunit hindi nila sinagot ang tanong ko sa halip ay tinanong din nila ako.

"Saan ka pupunta?" tanong ng isa sa mga kaibigan kong si Matt.

"Paris" sabi ko. Napabuntong-hinga sila at sinagot na yung tanong ko. "I'll probably miss you, Charity" said by Matt. Ngumiti ako't naghihintay sa sagot ng iba kaso walang sumagot but it's okay.

I never had the chance to looked at my friends' reaction. I am a blind lady who always wish to have that sight.

Sa totoo lang, hindi sa Paris ang punta ko. Nalaman kong isa lamang akong ampon kaya pala hindi maganda ang pagtrato nila sa akin ng kinikilala kong mga magulang. They always say "Lumayas ka" and "Ikaw yung malas sa pamilya namin" They are really rich at siguro nabunkrupt ang kompanya nila doon sa Paris.

And now, I will grant them. I will leave. I want them to have a nice future.

Dahan-dahan akong nag-empake at dahan-dahan din akong lumabas ng kwarto para kumain. Ako lang palagi dito sa malaking bahay kaya mahirap talaga sa akin bilang isang bulag na gumawa ng mga gawaing bahay ng mag-isa. Minsan ay tinatawagan ko si Hannah, isa sa mga friends ko pero pass lang siya palagi. Tinawagan ko lahat ng kaibigan ko including Matt and expected, si Matt lang ang palaging pupunta.

Sa ngayon, ayoko siyang maabala lalo na't ngayon ako aalis sa pamamahay na ito.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong naligo at nagbihis. Hindi ko alam kung anong kulay ang suot ko basta ang alam ko lang ay jeans ito at isang t-shirt. Nakasandals din ako.

Ngumiti ako at dahan-dahang umalis na sa pamamahay na kinalalakihan ko. Sasakay na sana ako ng bus ngunit may narinig akong isang boses.

"Charity!!" sigaw nito. Probably Matt. Nanatili akong nakatayo at nilingon lang ang direksyon kung saan ko narinig ang boses. Lagot, magtatanong na yan kung saan ako pupunta.

"Saan ka pupunta?"

Sabi ko na nga ba.

"I d-don't know"

"You're not going to Paris." tanong niya. Hindi ko man makikita ang mukha niya ngunit alam kong may mukha na itong pagtataka't nakakunot na ang noo nito. "N-no.." napalunok ako. Narinig ko siyang napatawa ng mahina.

"Duda na ako e, may nasabi ka sakin last week na nalaman mong ampon ka tapos, pinapalayas ka.."

Napatawa ako ng mahina. Katahimikan ang namumuno sa aming dalawa. "If you don't mind, you can stay in my place"

Nahihiya ako lalo na't lalaki pa naman siya, ngunit wala naman atang gagawing masama si Matt diba? He's one of my closest friend.

So yun nga, pumayag ako sa offer niya sa akin. Dinala niya ako sa bahay nila at akala ko magagalit ang mommy niya but sobrang bait naman siguro ni Tita Fely para magalit.

Tinuring akong anak ni Tita Fely kasi daw wala siyang anak na babae at nabiyayaan siya ng dalawang lalaki. Twins.

Matt has a twin, his name is Natt. Magkaiba ang boses nila kaya madali kong makilala kung sino sila. Hindi ko naman kasi nakikita ang pagmumukha nila.

Kung ang boses ni Matt ay malambing kay Natt naman ay magaspang. Natatakot nga ako sa kanya minsan kapag tatawagin niya ako sa pangalan ko. Parang palaging galit.

"Charity, this is your room. Di mo man ito makikita, hayaan mong idedescribe ko ito sa iyo" sabi ni Matt at tumango lang ako.

Base sa mga sinasabi niya, pink ang color ng magiging kwarto ko. May maliit na kam ito para kasya naman ako doon. May tatlong unan at isang comforter. Marami daw ditong bools kaso sayang lang dahil hindi ako makakabasa. May study table din ito at may maliit na flowervase.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now