Random Special- The art of pagmomove-on

207 3 0
                                    

THE ART OF PAGMOMOVE-ON

Sabihin na nating magkaiba kayo ng kapalaran ni Mace at walang Anthony na sasagip sa mundo mong kay lupit at sasamahan ka sa Sagada para tuluyang makamove-on. Paano na yan? Eh di hanggang self-help ka na lang. Sariling sikap. Kaya naman yata. The Art of Pagmomove-On? Oo, kelangan may ‘art’ para maganda ang kalabasan.

1. Unang-una, dapat hindi ’move-on’ ang ginagawa. Baka kung saan-saan ka lang mapadpad. Sa kamomove-on mo di mo namamalayan paatras ka pa lalo. Ang dapat mong gawin, ‘move forward’. 2. Hindi mo na kailangang itanong kung "Gusto ko ba talagang magmove-on?" Kaya mo nga tinanong sa sarili mo kung 'paano magmove on' ay dahil gusto mo talagang magmove on. ‘Wag ng maraming tanong, GAWIN MO. You can’t move on just because you said so.
3. Kahit ulit-ulitin mo ang isang pelikula hindi mo na mababago ang ending. Kapag tapos na, tapos na. Yun na yon.
4. Humakbang ka nga palayo pero hindi mo naman magawang alisin yung tingin mo sa kanya. Anong sense ng pagmomove-on mo? Tumingin ka sa dinadaanan mo para di ka madapa.
5. Wag kang magkunwaring hindi nasasaktan. Niloko ka na nga niya lolokohin mo pa rin ang sarili mo? Ganyan ka ba talaga kamartyr para magpaloko ng paulit-ulit? Umiyak ka kung gusto mo. Mas madaling tanggalin ang luha kapag naging muta.
6. Wag mong sabihing, "Kakalimutan ko na siya." Imposible yun. Moving-on is not synonymous sa paglimot. Feelings yung kailangang alisin hindi ang memories.
7. Hindi sapat ang closure para makamove forward lalo na’t may duplicate na susi ka pang hawak. Anytime kayang-kaya mo ulit buksan yan. Ipadlock mo ng mabuti sabay tapon ng susi. Then google the word 'acceptance'.
8. Physics Book mo na ang nagsabi, "Motion is a change in position of an object with respect to time." Darating yung araw na makakamove forward ka din. Wag ka lang daw atat. Respect time.


From: http://israelmekaniko.tumblr.com/post/

=============================
This is just a repost

Vote and comment

Thank you

Random Quotes (wave 2) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon