Random Special- Heart break?

149 2 0
                                        

Heart Break?


Ano nga ba ang heart break? Marami sa atin nadanas at dinadanas to ngayon. May mangilan-ngilan na hindi pa alam kung ano 'to.
Yung klase ng sakit na akala mo pasado ka sa major subject mo, kase ginawa mo naman lahat para pumasa, tapos at the end malalaman mo bagsak ka pala. wala ka ng ibang magawa kundi halos magmakaawa para ipasa pero kahit konting chance di ka mapagbigyan.

Para saken, ang heart break yun yung literal na HEART BREAK. Dahil sa sobrang sakit parang humihinto yung tibok ng puso mo. Sa sobrang sakit parang dinudurog hangang sa wala ng matira dito.
Yung halos sisihin mo sarili mo kung bakit mo nararamdaman yung ganong klaseng sakit. Eh nagmahal ka lang naman. Kasi minsan akala natin ginawa na natin lahat, akala natin sapat na yun, yun ang dapat. Yun nga ba ang dapat?

Usong uso ang "WALANG FOREVER" na mga linya ngayon. Para sa mga bitter na tao. Mga Single since birth, Iniwan, naloko at maraming pang iba. Pero may forever talaga! Dun sa tamang tao at sa tamang panahon. maghintay ka lang. Naniniwala talaga ko na lahat ng mga bagay na nangyayari saten may dahilan. At may nakalaan na tao para sayo. Kaya ka siguro dumanas o dumadanas ng sakit eh dahil hindi sya ang para sayo. O kaya naman, kelangan nyo muna matuto. para pagdating ng tamang panahon, handa na kayo. Handa na kayo ibigay yung sapat at dapat.
Maniwala ka, pag nalampasan mo yang sakit na yan sobrang tapang mo na. oo sa una takot ka, takot ka na sasaktan ka lang ulet nila. Hangang sa mararamdaman mo na lang sa sarili mo yung feeling na kaya mo na lahat. You are ready to take risks, kumbaga.

God is preparing something big and someone better for you. Greater things are yet to come. Endure the pain and You will see, stronger and tougher version of yourself.

- BebeLhen
051215
11:57pm

==========

A/N: not mine... it is just a post of my co-major sa fb just wanna share :) don't copy tnx...

Vote! And comment

Thank you!!

Random Quotes (wave 2) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon