Random Special - from Vice Ganda Quotes (page)

415 6 0
                                    

Hi guys (^_^)

Click the e-link for the page :)

Enjoy :)

=====================================================================

Pag nakahanap ka ng lalaking kayang panindigan ang mga salitang binitawan niya, wag mo nang pakawalan. Dahil sa panahon ngayon iilan nalang ang lalaking nasa pag-uugali ang kagwapuhan.

>>>>>>>>>>_<<<<<<<<<<

Wag mo daanin lahat ng gusto mo sa wish o sa dasal. Dahil kahit i-alarm mo pa yung phone mo gabi gabi para sa 11:11. Kahit araw arawin mo ang pagluhod sa harap ng altar. Ubusin mo man yung pera mo sa wishing well. Mamilipit pa yang daliri mo kaka-crossfinger. At abangan mo man sa ulap ang bawat bulalakaw. Kapag hindi nakalaan sayo ang isang bagay, wala ka talagang magagawa dun, pero asahan mong may dadating na mas hihigit pa kesa dun sa bagay na pinaka hihiling mo na hindi napasayo, kailangan mo lang makuntento.

>>>>>>>>>>_<<<<<<<<<<

Hindi ang mga taong nakapaligid sa kanya ang mahirap kalaban sa puso nya, kundi ang taong minahal nya bago ka pa nya nakilala.

>>>>>>>>>>>_<<<<<<<<<<<

May babae talaga na malas sa pag-ibig
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
pero swerte sa mga kaibigan.

>>>>>>>>>>>_<<<<<<<<<

Minsan, sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, okay lang kahit masaktan tayo, basta masaya sila kahit hindi dahil sayo. Kasi pwedeng masaya siya sayo ngayon, pero paano bukas? Next week? Next month? Sa susunod na taon? Sa tingin mo katulad padin ng dati? Yung masaya kayo, yung parang kayong dalawa lang yung tao 
sa mundong to. Yung wala kayong pakialam sa ibang tao, basta masaya kayong magkasama kayo. Kaylangan nating tanggapin na may mga bagay na nagbabago. Time flies, things change. Expect the worst nga daw, diba? Para wala narin disappointment, kahit hindi naman maiiwasan yun. Pero paano kung sobrang sakit na, lalaban ka pa ba o tama na?

>>>>>>>>>_<<<<<<<<

Napakababaw ng kaligayahan ng babae kung tutuusin. Lalo na kapag mang gagaling yung joke eh sa taong gusto nila. Madalas hindi nila mapigilan yung kilig. Yung oras lang na kasama mo siya kinikilig na, paano pa kaya kapag nag effort ka pa magpatawa sa kanya. Kahit baduy o korny ang joke mo hindi ka niya ipapahiya. Tatawa pa rin siya dahil sa kilig na hindi mapigilan o kaya naman sobrang na appreciate niya yung moment niyong dalawa.

Kaya sobrang panalo sa babae ang lalakeng may sense of humor. Kaya hindi totoo na sa mukha lang sila tumitingin. Maraming babae pa rin ang praktikal. Hindi na mahalaga ang itsura. Ang mahalaga eh yung lalakeng nakakapagpasaya sa kanilla, yung lalakeng may oras palagi sa kanila.

That’s Love

>>>>>>>>>>>_<<<<<<<<<

Kung ang trabaho ko ay ang isipin ka, 
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
malamang mayaman na ako sa kakaovertime sayo.

>>>>>>>>>>_<<<<<<<<<<

Kung minsan yung EFFORT na hinahanap natin sa isang tao
hindi natin namamalayan na ibinibigay nya in his own little ways.

Siguro ang problema minsan nasa level of APPRECIATION natin.
Yung pakiramdam na nakukulangan ka sa ipinapakita niya.

Hindi naman kelangan mag-I LOVE YOU araw-araw,
magpakita mag-hapon, makipag-text sayo ng magdamagan
at tawagan ka minu-minuto para lang kumalma ka sa mga 
worries at duda or hinala mo, para hindi mawala ang tiwala mo. 

Kung minsan, 2-minute call na ginawa nya at nagparamdam sayo,
mawawala lahat ng tampo, inis at galit mo sa kanya.
Kahit chocnut lang ang ibigay nya at hindi imported na chocolate,
napapangiti ka at kinikilig ka.

Sa isang simpleng dahilan lang:

"KASI MAHAL MO."

At lahat ng gawin, sabihin, ipakita at iparamdam nya,
nandun ang pakiramdam na KUNTENTO.

>>>>>>>>>>>_<<<<<<<<<

Huwag sayangin ang oras mo sa mga maling tao, sa mga taong nandiyan lang kapag may kailangan, sa mga taong sarili lang nila ang iniisip, sa mga taong ginagamit ka lang, sa mga taong hindi ka pinapahalagahan, sa mga taong sinasaktan ka lang, sa mga taong nilalait ka kapag nakatalikod, sa mga taong pinagmumukha ka lang tanga.

>>>>>>>>>>_<<<<<<<<<

Hindi mo mahahanap ang karapatdapat na tao para sayo hanggat hindi mo pinapakawalan ang maling taong minamahal mo ngayon sa parehong pagkakataon kapag naramdaman mo ng handa kanang bumitaw. maiisip mo kung bakit hinayaan mong tumagal pa yung sakit na pinagdaanan mo kahit alam mong mali nung una palang, pero minsan mawawala din sa isipan mo yung mga nangyari sa nakaraan mo. maaaring hindi mo iyon makalimutan, pero siguradong dadating yung araw na hindi kana apektado kapag pinaguusapan nyo sya dahil sinisimulan mo ng isipin yung mga bagay na sa pakiramdam mo ay mas deserving na isipin at pagkaabalahan.

=================================================================

Random Quotes (wave 2) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon