Random Special: Hugot sa classroom

8 1 1
                                        

✴ HUGOT SA ROOM ✴

Teacher: Okay class good morning! Lets have our new lesson for today. Open your book on page 97.


Student1: Ano ba naman ito, ang gulo maraming numero. Katulad ng buhay ko, magulo. Naging magulo lang naman ito simula ng umalis ka sa buhay ko. (Nagwalk-out)

Teacher: Anong nangyari dun? Okay! Answer no. 1 Christopher. Find the value of X.


Student2: Value of X? May value pa ba yun? Kaya nga X na diba? Wala ng halaga pa yun. (Nagwalk-out)

Teacher: Sige! Ikaw na lang Mariah ang sumagot.


Student3: Ano? Ako? Pangalawa lang sa buhay mo? Pagkatapos ka niyang talikuran ako ang ipapalit mo? Palagi na lang ba ako ang pangalawa? (Nagwalk-out)


Teacher: Ako na nga lang ang sasagot. Lets proceed to no. 2.


Student4: Proceed? Hindi pa nga ako nakakamove-on sa no. 1, no. 2 agad? Bigyan mo naman ako ng time makamove-on. (Nagwalk-out)


Teacher: Ano ba ang nangyayari sa kanila? Bakit andaming hugot? Hindii bale, bibigyan ko kayo ng time makasagot.


Student5: Time? Ilang oras akong naghintay sayo. Inabot pa nga ng araw buwan hanggang sa naging taon tapos ano?! Pinaasa mo lang ako. (Nagwalk-out)


Teacher: Nakakaloka na sila ah. Nagpapasagot lang ng test eh, aalis na agad?


Student6: Buti pa nga yung test sinasagot. Ako hindi. (Nagwalk-out)


Student7: (Akmang aalis)



Teacher: Napupuno na ako ah! Ikaw? Aalis ka rin ba kagaya ng ginawa nila? Sige! Umalis ka! Sanay naman akong iniiwan eh!


Student7: Aalis talaga ako ma'am. Recess na eh. Bakit? Hindi ba pwedeng kumain?

----------------------

(c) Sa Owner (nakalimutan ko na kc kung saan ko nakita eh)

(a/n: nako kung gagawin toh sa kin ng mva students ko nako!! nako tlga!! hahahahaha)

Random Quotes (wave 2) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon