PAANO MAGLUTO NG SPAGHETTI WITH FEELINGS?
Una, iluto ang pasta sa kumukulong tubig, salain mo hanggang sa maubos yung tubig. Yung wala na syang maibigay kasi ubos na ubos na sya. Tapos isantabi mo, dyan ka naman magaling eh. Pag naibigay na nya lahat, iiwan mo. Tapos gagamitin mo yan mamaya, pag tapos ka na dun sa isa. Pangalawa, oo laging may pangalawa. Di ka kasi makuntento sa isa. Igisa mo yung sibuyas, bawang at karne tapos haluin mo na parang naglalaro ka lang. Paglaruan mo gaya ng ginawa mo sa akin. Lagyan mo din ng paminta. Pag wala ka non punta ka sa mall o gym, madami don. Tapos ilagay mo na yung tomato sauce. Para maglasang spaghetti. Pakuluan mo. Icheck mo yung pasta, kasi masyado ka nang nawili dyan sa isa mo. Tapos paghaluin mo na yung sauce at pasta. Oo pagsabayin mo. Pagsabayin mo kami! Tapos kainin mo na! MABULUNAN KA SANA! #hugot HAHAHAHAHAHA.
******REPOST!!!!
BINABASA MO ANG
Random Quotes (wave 2) *On-going*
Randomwave 2 of Random Quotes Wave 1 Credits to the Owners Date Started: April 17, 2015 ©pinkcharmprincess
