Random Special- Pulburon

396 6 2
                                    

Hi guys last UD for the day :)

This is from the site: http://manilatrends.altervista.org/

Enjoy....

========================================

Sa park handa ng sabihin ni Marj sa kanyang Boyfriend na COOL OFF muna sila.. Alam niyang walang dahilan para gawin ito. Kung sa TIWALA at PAGMAMAHAL ay THE BEST ang kanyang Boyfriend na si Samuel..

TRIP TRIP lang at susubukan niya kung gaano siya kamahal nito. Umiyak si Samuel sa sinabi ni Marj at tinanong niya ito..

Ano ba ang nagawa kong mali? Ano ba ang kasalanan ko? Bakit mo ako ginaganito?

Sumagot si Marj at sinabi ang… Gusto ko muna ng SPACE. Gusto kong maging MALAYA at bigyan ng panahon ang aking sarili. Maybe some other day pagnakita tayo ulit ay may pagbabago na sa atin sana maunawaan mo ako.

Umalis si Marj at iniwang lumuluha si Samuel..

After two weeks Di na matiis ni Marj ang lahat .. Kayat tinawagan niya si Samuel. Pero hindi nya ito ma-contact dahil naka-Off ang cellphone nito.. Halos paulit ulit na lang ito. At nagplano siyang dalawin si Samuel sa kanyang boarding haus. Nakalipat na pala si Samuel, wala na siya dun.

Ngayon ay nagsisisi na siya at paulit ulit hinahanap si Samuel. Mahal niya si Samuel at handang gawin ang lahat maibalik lang ang dating pagmamahalan nila.

After two months Isang sulat ang natanggap ni Marj.. Galing kay Samuel. Dalidali niya itong binasa.

Dear Marj, Patawad kung nagawa kitang sulatan. Di lang talaga kita matiis. Ang pagmamahal ko sayo ay di nagbabago. Ikaw pa din ang laman ng puso’t isip ko. Handa kong patunayan sayo na ikaw lang ang tanging mahal. Magkita tayo sa dating tagpuan BAGO MAHULI ang lahat. Feb. 14 , 7:00 ng gabi.

Nagmamahal Samuel,

Dumating si Marj sa takdang oras ng kanilang tagpuan..

Di nagtagal. Isang babae ang lumapit at nagpakilala.

Ako ang kapatid ni Samuel Pinagbilin ka niya sa akin..

Sabay IYAK at kuha sa isang bagay. Di pa nakakapagsalita si Marj ay inabot sa kanya ng kapatid ni Samuel ang isang kahon..

Tahimik si Marj at walang kibo. Nag-isip at kinabahan.

Binuksan niya ang kahon. Isang kahon na may lamang GARAPON.. Isang GARAPON na may lamang ABO..

Tumulo ang luha ni Marj at sabay takbong papalayo dala ang GARAPON. Sa bahay ni Marj.. Patuloy ang kanyang pagiyak.

Iniisip niya ang maliligayang araw nila ni Samuel. At ang kanyang pagkakamali.. Gusto niyang humingi ng tawad kay Samuel . Pero paano. Huli na ang lahat.

Tumunog ang kanyang cellphone at nakita nyang lumabas ang number ni Samuel. Kinilabutan siya at natakot. Di alam ang gagawin..

Sinagot niya ito at pinakinggan ang isang VOICE MAIL. Tumayo ang kanyang mga balahibo sa kanyang nadinig. Boses ni Samuel.

Hello, Marj! Si Samuel ito. Natanggap mo ba ang GIFT kong PULBURON.. Favorite mo yan diba. Hapi valentine’s. Sorry late ako sa ating date kaya pinapunta ko muna ang kapatid ko. Stranded kami dito sa AIRPORT. Kita na lang tayo bukas

A/N: kinabahan kau nuh??? Hahaha... ako rin eh nung binasa ko yan... ^_-

Random Quotes (wave 2) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon