Chapter 7

28 4 0
                                    

07

After we finished eating ni Giro, we went back to campus and may  kaunting minuto pa naman ang natitira para sa afternoon class ko. I was  holding the books he bought for me when he handed me his black  Hydroflask.

"May training kami mamayang 4 p.m. sa soccer field. Bring this with you."

Right. He plays football.

Kunot noo ko iyang tinanggap at napansing wala namang laman.

"Ako ang magdadala nito? Bakit walang laman?"

"Syempre ikaw maglalagay. Be there. Baka ma dehydrate pa ako dahil wala akong tubig."

"So? Edi ikaw na magdala! Bakit ako 'yung pinapadala mo? At ano naman ang gagawin ko do'n?"

"Panonoorin ako."

I rolled my eyes. The confidence.

Akala  ko 'yun na ang kabayaran ng ginawa ko pero nagkakamali ako. Naging  utusan ako ni Giro sa sumunod pa na mga araw. He would ask me to buy him  something, samahan siya kung saan at kung ano-ano pa. Sana nga naging girlfriend nalang ako eh kesa sa utus-utusan.

"May football training kami mamayang five. Be there." Sabi ni Giro pagkatapos kong iabot ang tubig na pinapabili niya.

Wala ba siyang paa? Nandito siya sa gym at nakikita kong nag ba-basketball ang ibang mga kasama niya para sa training nila.

Nag text kanina na naubusan siya ng tubig kaya nagpapabili.

"May gagawin ako."

"Like what?"

Nakadungaw ako sa kanya dahil nakatayo ako sa harap niya at nakaupo naman siya sa pinakababang bleacher.

"Stop being so nosy." I said, slightly irritated.

Sumimangot siya at nag-iwas ng tingin bago binuksan ang water bottle at uminom.

"You're so heartless." Nakasimangot niya paring sinabi.

"Whatever, Giro. Alis na ako." Sabi ko aambang aalis pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Ano na naman?" I asked.

"I'm hungry."

Napairap na ako at binawi ang kamay ko sa kanya.

"Bumili  ka ng pagkain mo dahil magkikita pa kami ni Astrid. At 'wag kang  tatawag, hindi ko sasagutin." Mabilis kong sinabi at umalis na.

The  Intramurals week came kaya maraming mga tao dahil pinapapasok ang mga  outsiders. Maraming estudyanteng galing sa ibang mga university na  nanonood sa mga laro.

And now here I am, nasa bleachers kasama si  Astrid dito sa sports complex ng campus. Nasa akin ang hydroflask ni  Giro pati na rin ang duffel bag niya na naglalaman ng mga damit niya.

Galing pa siyang naglaro ng basketball kanina at ngayon nandito na naman siya sa football field.

"Huhu ang hot."

"Sino ba chinicheer mo?"

"Hindi ko nga rin alam eh. May gwapo sa dalawang team kaya hindi ako makadecide."

Alam  na ni Astrid ang lahat ng kabaliwang pinapagawa sa akin ni Giro at  imbes na damayan ako ay kinilig pa dahil naka jackpot daw ako.

"Ang landi."

Biglang umingay ang mga estudyante sa bleachers kaya napatingin ulit ako sa field.

Kalaban  ng Engineering, na nakasuot ng kombinasyon ng black and blue, ang  Nursing na kombinasyon naman ng puti at lighter na shade ng blue. At  lamang lamang ang nursing ng isang puntos.

See You Soon, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon