Chapter 23

43 3 1
                                        

23

When we arrived, tsaka ko lang nakita ang text ni Astrid na nasa bahay ko siya at makikitulog. I don't know what's gotten into her these days, really.

Astrid is still sleeping soundly nang pumasok ako ng kwarto. Hindi ko nalang ginising at lumabas nalang para maupo sa couch at kamustahin ang paparating na harvest season ng coffee plantations. It's already December, time for harvest.

"Ang dami ng hinog na mga bunga Ali. Magsisimula na kami sa pag-aani sa susunod na linggo." Tatang Selmo said over the phone.

Siya ang pinakamatagal at pinakapinagkakatiwalaan naming employee sa plantation. He started from being a coffee picker pero ngayon ay siya na ang nag su-supervise sa ibang mga workers.

"Mabuti naman po."

"Luluwas ka ba rito, anak?"

Napansin ko ang paglapit ni Giro galing kitchen, may kagat na cookies sa bibig at nakabitbit sa isang jar ng cookies. Parang bata.

"Oo naman. Hindi ko 'yan kinakaligtaan." I laughed.

Tuwing harvest season, umuuwi talaga ako ng Bukidnon at tumutulong sa mga gawain, lalo na sa pagha-harvest. I can't miss it.

Umupo si Giro sa tabi ko, inilagay ang cookie jar sa coffee table. at agad na yumakap. Isinandal niya ang baba sa balikat ko at pumikit.

"Mas mabuti! Nandito naman sina Sir Eric pero nasanay na talaga ang mga manggagawa na nandito ka tuwing magha-harvest."

I assured him that I will be there next week bago nagpaalam.

Nang binaba ko ang phone ko, sinubukan kong tanggalin ang braso ni Giro na nakapalibot sa akin ngunit mas lalo niya lang hinihigpitan.

"What the hell is wrong with you?"

"Hindi ka nagpapayakap noon, kaya sinusulit ko na." He chuckled.

Before I could push him away, napatingin ako sa bumukas na pinto ng kwarto at nakita ang nanlalaking mata ni Astrid. Agad kong itinulak si Giro at bahagyang lumayo habang si Astrid ay unti-unting sumilay ang malaki at nakakalokong ngisi sa labi.

"Parang ngayon lang kita nakitang nataranta ah?"

"Shut up."

Humalakhak siya at naglakad palapit sa amin para umupo sa isa pang couch sa harap.

"So ano? Naghalikan na kayo?" Tanong niya at sumulyap kay Giro.

"Astrid!"

Umirap siya at bumaling kay Giro kaya napatingin na rin ako sa kanya. Nakaabang na ang tingin niya sa akin at may nagbabadyang ngiti sa labi.

"Kayo na ba ni Ali, Giro?"

Bumaling si Giro kay Astrid at tumawa.

"Nanliligaw pa." Sagot niya at tumingin ulit sa akin.

"What?! Ligaw?" Halos pasigaw na sabi ni Astrid. "Ang pabebe mo, Ali!"

Why is she my bestfriend again?

I just rolled my eyes at her at ganoon rin ang ginawa niya sa akin.

"At ayos lang sa'yo Giro? Na manligaw?"

Bumaling si Giro sa akin na may multo ng ngiti sa labi.

"Anything for my Ali." He said softly while looking at me.

My Ali.

"Ikaw tigilan mo ako ah." Pagbabanta ko.

"Bakit?" Pa inosente niyang tanong.

See You Soon, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon