Chapter 12

23 3 0
                                        

12

I don't know what has gotten into me but after that lunch, I always thought about what he did tangina naman. Assuming na kung assuming, I'm gonna make him fall for me again.

Like a pro.

Or is it me ba ang nahuhulog ulit sa kanya? At dahil lang naalala niya ang maliit na detalye tungkol sa akin? Ang rupok ko naman yata niyan?

Wearing a trousers and a black cute top with thin straps and an ankle strap heels to complete my look, nakihalo ako sa dagat ng mga tao. It's Axe's 27th birthday.

Tapos na ang formal party kanina at nakagawian ng may after party pagkatapos. I don't wanna come here dahil pagod ako galing Treecup but then Marius and Adriano will also be here kaya't pinagbigyan ko na si Axe. And Giro's probably here too.

Axe is a Montenegro. Has lots of friends and lots of people to invite on his birthday. His mom is my mother's cousin, both dela Torre, so we're somewhat related.

Agad akong sinalubong ni Adriano nang namataan ang paglapit ko. He hugged me and I saw him smirk after the hug.

"May crush ka dito? Ganda ng pinsan ko ah." I knew it.

"Shut up, Yano. Palagi akong maganda."

He laughed at namataan ko rin si Marius na palapit sa amin.

Axe owns this house and every year, dito ginaganap ang after party niya. Dito rin ginaganap kapag may selebrasyon sila noon.

"Uuwi na ako ng eleven. Pagod ako."

"Come on! Tomorrow is Sunday!" He said like it's an enough reason for me to be here.

"Fine. Where's Astrid? Akala ko pupunta siya? Hindi ko siya nakikita simula pa kanina."

"I don't know either. Wala rin si Nite. Baka magkasama."

My two closest friends aren't here kaya mas lalo pa akong nawalan ng ganang manatili.

"Ang baklang yon! Baka dinamay na naman si Astrid sa boy hunting niya!"

Sinalubong rin ako ni Marius at agad na iginiya sa table nila kung nasaan rin si Axe. He's laughing with his friends but when he saw me, I saw his surprised reaction at agad na tumayo.

"Ali!" He said with a wide smile.

"Happy birthday again!" I greeted.

"Akala ko talaga hindi ka pupunta. Useful naman palang ginamit ko si Giro."

"Hindi ako pumunta dahil sa kanya 'no! Ano siya, siniswerte?"

Halos hindi kami magkarinigan dahil sa malakas na tugtog ng music at dahil sa dami ng tao na naroon. Axe offered me a drink and I declined dahil wala sa plano ko ang uminom.

"Woah! Di ka iinom?" Si Marius nang napansin ang pag ayaw ko.

His expression is almost insulting na para bang kasorpre-sorpresang hindi ako iinom. Pagod nga ako eh!

"Shut up, Marius." I said, laughing.

"Okay, Alegre." He said.

Mas lalo ko pa siyang minura sa sinabi niya. Sarap sipain sa mukha.

Siya naman ang nag offer sa akin ng drink at dahil sa sinabi niya kanina, agad kong tinanggap iyon at ininom ang lahat ng laman. I saw him laugh and then entertain the girl beside him.

Tiningnan ko ang paligid. Some people are dancing wildly at ang iba'y lasing na. Nag-iwas ako ng tingin at napatingin sa taas. At halos mapairap ako nang nakita si Giro na may kausap na babae. She's even touching his arm at wala lang iyon sa kanya.

See You Soon, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon