Chapter 4

33 4 0
                                    

04

"No. I was ghosted."

My eyes widened a bit at napatingin sa mga kaibigan ni Giro. And thank goodness mukhang hindi nila narinig. Except for Axe na nangingiti at pekeng tumikhim and Astrid na humahagikgik na sa gilid ko.

At hindi ko alam kung saang tanong ang sagot niyang "no". Sa girlfriend ba, sa break up, o sa comeback damn it.

"Shut up." I warned him in a silent voice.

A side of his lips rose before he looked away. Inilagay niya ang strap ng duffel bag niya sa balikat bago umayos ng tayo.

"Ali wants me to shut up. Secret relationship lang daw muna kami. Kawawa naman ako." Giro playfully answered Seth's questions.

The hell. Kailan ko yan sinabi.

Hindi na ako nakaangal dahil nagsalita na si Race.

"Ooh kaya pala wala ng yakap galing kay Ali pagkatapos ng game gaya noon eh."

Amputa.

Napatingin ako kay Giro na nakaabang na ang tingin sa akin. I immediately looked away as I remembered what Race is talking about. I just looked at the football field and somehow saw myself from three years ago.

I was on the campus' football field, just finished our Physical Education class when I saw Astrid waving at me in a distance.

"Ali!"

I grinned at naglakad na palapit sa kanya. In her background are banners in different colors na nakasabit sa mga poles. Kanina lang ata isinabit dahil wala pa kahapon.

"Ang lapit na ng Intramurals." Sabi ni Astrid habang tinuturo ang mga banners sa likod niya when we were only a short distance apart. "Excited na akong manood sa game ng mga crush ko." Humagikhik siya at sinulyapan ang mga iyon.

Sabay na kaming naglakad, sa dinaanan ni Astrid kanina.

"Ang dami pang reqs na ipapasa hoy."

"Hoy ka rin. Ang importante, buhay ako." She winked.

Astrid is bubbly at nakilala ko sa freshmen orientation. Ganoon rin ang iba pa naming mga kaibigan. Now we're always together sa first semester ng college.

"Tss. Kain muna tayo. Hindi ako nakapagbreakfast." Sabi ko kaya dumiretso na kami sa cafeteria at bumili ng pagkain.

And Astrid being Astrid, hinatak na naman ako kung saan siya gustong umupo.

"Dun tayo sa may mga fourth year. Daming pogi."

Kumain nalang ako habang siya ay abala sa pagtingin sa mga nag-uusap na lalakeng fourth year sa kabilang table.

"San sina Ria? Tumuloy ba sila sa inuman kagabi?" Tanong ko kay Astrid para makuha ang atensyon niya dahil sobrang obvious ng ginagawa niya!

"Wow. Syempre naman tumuloy kami. Bakit? Sasama ka sa amin next time?" Tanong niya na may malaking ngiti.

Pinapayagan naman ako ni Mommy na gumala ng gabi. Pero dahil sa ibang bahay ako pansamantalang nakatira, nakakahiyang umuwi ng sobrang gabi na.

"Nagtatanong lang. Dami ko pang kailangang ipasa, i c-cram ko na nga lang ang iba."

"Sa'kin nga ic-cram lahat." She laughed. "After Intrams ba, pwede?"

"I'll think about it."

"Come on! Pagkatapos ng finals week yung plan kaya wala ka ng poproblemahin dahil Intrams na after! Good girl ka ba?"

"Bad bitch po." Natawa ako sa huling sinabi niya. "Oo na nga."

Natigilan siya at unti-unting nanlaki ang mata.

See You Soon, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon