Chapter 8

29 3 0
                                        

08

Si Astrid na mismo ang nagpaalam para sa akin dahil gusto niya raw'ng sa bahay niya ako magbihis at sabay na kaming pumunta sa bar na sinasabi niya.

"Kunin mo lang yung mga damit mo tapos balik ka agad." Sabi niya nang palabas na ako ng sasakyan nila.

"Opo, Ma'am."

Pumasok na ako ng bahay nina Axe at dumiretso sa kwarto ko para pumili ng damit na susuotin ko at mga gamit na kakailanganin.

Naghahanda ako nang tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag. It's Mommy.

"The renovation is almost done. Pwede ka ng doon tumira next week."

"Okay po."

"And your cousins are planning to come here in Mindanao for your semestral break, nasabi sa akin ni Marius. Do you wanna come with them?"

Hindi pa ako nakakabalik ng Mindanao simula nang pumunta ako dito five months ago para mag-aral ng college at sina Mommy lang ang bumibisita. Most of my cousins are here too pero sa ibang university nga lang kaya kina Axe ako pansamantalang tumitira.

"Ako na po ang magsasabi kay Marius na sasama ako. I miss the plantations. And maghaharvest na sa susunod na linggo, right?"

Puro nalang kasi buildings ang nakikita ko dito at namimiss ko na ang buhay probinsya. It's peaceful.

"Plantations lang talaga ag palagig bukambibig mo. Ayaw mo ba talaga sa oil company, Ali?"

"My, palagi ring 'yan ang bukambibig mo. I told you already, I don't want it."

I heard her sigh.

"Alright. Enjoy your night!"

Nang pababa na ako ay naabutan ko naman si Axe na kakapasok lang rin sa double doors.

"Pupunta ako kina Astrid." Paalam ko.

"Saan kayo pupunta pagkatapos? Baka tumawag si Tita at hanapin ka sa'kin."

Axe asked me earlier kung gusto ko ba daw pumunta sa house party pero tinanggihan ko dahil may lakad kami ni Astrid.

"I don't know the exact location pero malapit lang naman daw sa bahay mo sa Intramuros. And don't worry, nagpaalam na ako kay Mommy. Nagpaalam na rin ako kay Tita na kina Astrid ako matutulog mamayang gabi."

He nodded. "Alam na ba ni Giro?"

At ano naman kung alam niya o hindi? Mas mabuti ngang hindi niya alam para naman makaligtas ako sa mga utos niya.

I nodded.

"Alright."

Lumabas na ako at sumakay sa sasakyan nina Astrid. Agad niyang kinuha ang dala ko at tiningnan kung ano ang susuotin ko.

"Anong dinala mo?"

"Relax, I won't disappoint you." I winked and she giggled.

Kumain muna kami ng dinner ni Astrid at naligo bago nag-ayos. Gusto niya nga kaninang sabay daw kaming maligo! That's too uncomfortable.

Nasa loob ako ng walk in closet ni Astrid and all I can say is sobrang obsessed niya sa mga designer brands.

Nakasuot na ako ng kulay puting spaghetti strap bandeau cropped top and at itim na high waisted leather jeans.

Nakaupo ako sa couch na nasa center habang sinusuot ang angkle strap heels ko nang pumasok si Astrid na nakabihis na rin.

Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at pagtakip niya sa bibig bago sinarado ang pinto. Tapos na akong magsuot ng heels kaya tumayo na ako para ipakita ang suot ko.

See You Soon, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon