19
Nagising ako mula sa pagtulog dahil naramdaman kong parang hinahalukay ang tiyan ko. Bumangon ako and noticed that I am in someone's bed because of the dark grey sheets.
Tumayo ako at napahawak sa tiyan ko. Sabayan pa ng sakit ng ulo ko kaya hindi na muna ako naglakad.
"Fuck." I cursed nang naramdaman kong nasusuka ako at napahawak sa tiyan at ulo ko.
"Are you alright?" Napalingon ako kay Giro na tumayo mula sa pagkakaupo.
There's a laptop on the table and some papers too.
"I think I'm gonna throw up. Where's your bathroom?" Nahihirapan kong sabihin.
Mabilis siyang lumapit sa akin at iginiya ako. Tinakpan ko ang bibig ko nang naramdamang masusuka na talaga ako.
Binuksan niya ang pinto para sa akin at mabuti nalang malapit lang ang toilet bowl. Mabilis akong lumapit at lumuhod para sumuka.
Damn it. Ang dami ng nainom ko.
Nahihiraan pa ako sa pagsuka at napahawak na ako sa tiyan ko kaya hinaplos ni Giro ang likod ko. He was sitting behind me. Sinakop niya ang buhok ko para hindi mahulog sa mukha ko at hinawakan iyon.
"Ali... are you okay? Let's go to the hospital." Puno ng pag-aalala ang boses niya.
"Ang oa mo." Nagawa ko pang sabihin at nasuka ulit.
I heard him mutter curses.
Nang natapos ako ay tumayo ako at lumapit sa lavatory habang mibilis ang paghinga. Tiningnan ko ang sarili sa salamin and I look so pale. Hinugasan ko ang bibig ko habang si Giro naman any may kinuha sa vanity counter.
"Here." Sabi niya at naglahad ng tissue.
Pero bago ko pa matanggap iyon ay napapikit na ako dahil sa sakit ng ulo ko.
"Ali..." Tawag niya at iniharap ako sa kanya.
Siya na mismo ang nagpunas ng bibig ko habang nakahawak ang isang kamay sa braso ko.
"Shit. I think I'm gonna pass out." Wala sa sarili kong sinabi at pinilit ang sarili na dumilat.
"What?" Naalarma niyang tugon at hinawakan na ang magkabilang braso ko. "Why did you drink much than what you can handle?"
"Dahil 'yon hindi ako kumain bago uminom! Tangina."
"You didn't what? It's almost two a.m. at hindi ka pa kumakain? At uminom ka kahit alam mong hindi ka kumain?" Now he sounded angry.
Hindi ko 'yon namalayan!
"I wanna sleep." Sabi ko nalang at nilagpasan siya para lumabas habang nakahawak sa ulo ko.
But then he scooped me at wala na akong lakas para magprotesta pa sa ginawa niya.
Inihiga niya ako sa kama at tinabunan ng kumot. He slightly combed my hair kaya napapapikit na ako.
He sighed.
"Rest first. I'll cook something." He gently said at tanging tango lang ang isinagot ko.
Nagising ulit ako dahil sa tawag ni Giro. I feel so hungry and my head still hurts.
"Wake up. You have to eat something."
Inilalayan niya ako sa pagbangon pero hindi gaya kanina, hindi na ako nahihilo so there's no need.
"Kaya ko na'ng sarili ko."
"Sure?"
"Yeah."
Nauna na akong naglakad palabas ng kwarto niya. Ilang sandali pa ay naabutan niya ako kahit hindi pa ako nakakalabas at ngayon ay may dala na siyang puting hoodie.

BINABASA MO ANG
See You Soon, Love
Romance(Casamiento no. 1) Ali Montero just waits for her groom, chosen by her parents. She didn't have any problems with it, not until she knew who it would be - Giro Callante, a man whom she had issues with in the past. (very slow updates) (1.7k to 2k wor...