16
Giro moved a chair for me at napatingin ako sa kanya sa ginawa niya. Is this just for a show too?
Napansin kong yung isang upuan na hindi katabi ni Race ang kinuha niya na mas malapit naman ako doon. Umupo nalang ako at ganoon rin ang ginawa niya, ngayon ay siya na ang mas malapit kay Race.
He is on my left side at ang lalakeng nakaupo sa right side ko ay hindi ko kilala. Pero napansin kong pareho sila ng mata ni Giro.
Napansin niya siguro ang pagtingin ko sa kanya kaya ngumiti siya at naglahad ng kamay.
"I'm Gio. Giro's brother." Sabi niya sumulyap sa katabi ko.
That explains the identical features! Alam kong may nakababata siyang kapatid but I never met him in person.
"Kaya pala." I laughed at tinanggap ang kamay niya. "I'm Ali Montero. Nice to meet you!"
Hindi gaya ni Giro, medyo palakaibigan ang isang to. Palakaibigan rin naman si Giro, he's always playful. Hindi ko nga lang alam anong nangyari sa kanya na kung umasta parang palaging may topak.
"I'm also twenty three, just like you." Magkaedad kami! "Now that I saw you up close, it makes me want to be married to you instead of Kuya. Sabihin mo lang kung ayaw niya dahil I'm more than willing to do so. I can manage a company too, you know." He joked then winked.
Mabuti pa tong kapatid ni Giro, walang problema sa mundo!
Sasagot na sana ako sa kanya ngunit naunahan na ako ng pagsasalita ni Giro.
"Bakit ka nandito? Get lost, will you?" He sounded pissed.
"I just wanna talk with my sister-in-law, Kuya."
"You're not allowed to."
Tumawa lang si Gio at kinindatan ulit ako bago bumaling sa harap.
"Don't ever think of making my brother your boyfriend." Napatingin ako kay Giro na ngayon ay may galit na sa mga mata.
"Bakit? Takot kang mas magustuhan ko siya kesa sa'yo?" I teased.
His jaw clenched and he eyed me darkly at napansin ko rin ang pagkapadpad ng kamay niya sa upuan ko. Napahawak ako sa braso niya sa gulat when he pulled my chair closer to him with just one hand.
He's wearing a black dress shirt na bukas ang tatlong butones, revealing a generous amount of his chest then a black coat.
His whole body is facing me so his right leg is almost at the back of my chair. Pinigilan kong mapangiti.
Is he jealous? Tss.
"May media. The last thing I want in our engagement is an issue about you and your men." He said, more like convincing himself na iyon ang rason niya.
"Engagement! So this means na nacoconvince kana talaga?" I smirked. "And what issue? Ikaw nga tong nagpapalit ng babae araw-araw!"
Kumunot ang noo niya at inilagay ang kanang braso niya sa likod ng upuan ko and his other hand is on the table. Seriously, wala ba sa vocabulary niya ang mga salitang 'personal space'?
"I never said that. And what girls are you talking about?"
Napairap ako sa pag iinosente niya. I'm not dumb!
"That girl sa birthday ni Axe."
"She's a friend." Agad niyang sagot.
"Oh please. A friend with benefits ba yon?" I rolled my eyes.
He chuckled. "We're just friends, Ali."
I'm not jealous alright. Alam ko namang marami siyang babae. Noon pa man ay palagi ko na siyang nakikitang may kasamang babae. I'm just stating facts. Dahil sa sinabi niya kaninang 'you and your men' na mas marami pa nga yung babae niya!

BINABASA MO ANG
See You Soon, Love
Romance(Casamiento no. 1) Ali Montero just waits for her groom, chosen by her parents. She didn't have any problems with it, not until she knew who it would be - Giro Callante, a man whom she had issues with in the past. (very slow updates) (1.7k to 2k wor...