Chapter 21

34 3 0
                                        

21

"Lumabas na muna tayo. I'll let you meet her next time." Wala sa sariling sinabi ko, hindi na maintindihan ang nararamdaman at agad na naglakad palabas kahit tinatawag pa ni Franco.

Nakatayo na si Giro nang lumabas ako at agad na napatingin sa akin, clenching his jaw. Then his angry eyes went to the person behind me before he left.

Agad akong tumakbo para sundan siya.

I've never been hurt before. Ni hindi ko nga matandaan kung kailan ang huling iyak ko at wala rin akong maalala na umiyak ako. Noon lang tumangi si Mommy na bigyan ako ng kapatid. I never take anyone's words seriously at madalas ay tinatawanan ko lang.

And I hate this feeling so much.

Nang nakalabas ako at pumunta sa parking lot ay nakaandar na ang sasakyan ni Giro kaya dumiretso na ako sa sasakyan ko. Kakapasok ko palang ay nakita ko na ang pag-alis ng kanya kaya pinaandar ko agad at sinundan siya.

Hindi pa gaanong mabilis ang pagpapatakbo niya dahil marami ang mga sasakyan ngunit nang wala nang gaanong mga sasakyan ay bumilis na ng pagpapatakbo niya.

I stepped on the gas more to equal his pace. Sobrang bilis ng pagpapatakbo niya kaya ganoon rin ang ginawa ko.

I don't even know why I am chasing him right now. I want to talk to to him. At sabihin na nagkakamali lang siya sa iniisip niya.

Pucha iniisip niya bang may ginawa kami ni Franco sa loob ng office ko?

Ganoon nalang ang kaba ko nang may sasakyang biglang lumiko at sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ay siguradong mabubunggo ako.

Mabilis kong inikot ang manibela para maiwasan ang sasakyan sa harap at muntikan pa niya akong mabunggo.

"Shit." I deeply sighed.

Hindi na ako huminto at nagpatuloy sa pag d-drive. I saw Giro's car slowed down a bit then completely slowed down moments later kaya binagalan ko na rin ang pagpapatakbo.

Nakaabot kami sa tower at nang lumabas siya ay agad rin akong lumabas. He's now walking towards the private lift.

"Giro!" I called.

Tumigil siya paglalakad ngunit hindi tumingin sa akin kaya naglakad ako lagpas sa kanya at hinarap siya.

"Aning ibig mong sabihin kanina?" Pinanatili kong buo ang boses ko.

His jaw are clenched and he's not looking at me.

"Why did you follow me? And for god's sake, drive carefully."

"Ako ang unang nagtanong so answer me first."

"I'm still mad. Tsaka na tayo mag-usap kapag hindi na ako galit."

"No. Let's talk right here. Ano ba ang kinagalit mo?"

"I just can't imagine myself being married to you." He said, still not looking at me.

I felt a pang on my chest. He didn't even let me explain. He didn't even try to hear my side. It's obvious that he misunderstood what happened inside my office. Pero ganon ba ang tingin niya sa akin?

"Oh. Okay."

Fuck.

Ngayon niya palang ako tiningnan. His eyes were bloodshot at ramdam ko ang pagpipigil niya.

"I said let's talk later."

What for?

Umiling ako at ngumiti. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya.

See You Soon, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon