Chapter 6

32 4 1
                                        

06

Kalalabas ko palang ng AVR para maglunch ay nakatanggap na ako ng tawag mula sa hindi naka register na number.

"Yes, who's this?"

"Cafeteria." The other line ordered with a familiar bossy tone.

"Oh, hi Cafeteria."

Narinig ko ang mahinang pagsinghap niya.

Though I know who it might be, nagtanong parin ako para makasiguro.

"Sino ka nga? At ano naman ang gagawin ko diyan?"

"It's a cafeteria, Ali. Ano pa nga ba ang gagawin mo dito? Magja-jackstone?" I can almost imagine him rolling his eyes.

"What do you want?" I lazily asked.

"Just come here."

Magtatanong pa sana ako kung kanino niya nakuha ang numero ko pero hindi ko na tinuloy at pinatayan na siya ng tawag. Probably Axe.

Nang nakarating ako ay agad kong nakita sa madalas nilang inuupuan. He's with Axe at wala yung iba nilang kaibigan.

"What now?" Tanong ko kay Giro nang nakaupo sa tabi ni Axe.

"You really came."

"Ah hindi Giro, imagination mo lang ako."

He chuckled. Narinig ko rin ang tawa ni Axe sa gilid ko.

Ano ba kasi ang kailangan nito at pinapunta ako dito? Well, dito naman talaga ako patungo dahil sabay kaming mag lu-lunch magbabarkada. Kapag free kaming lahat, we always eat our lunch together.

"Tara na." Si Axe at tumayo.

Tumayo rin si Giro kaya nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"Pinapapapunta mo ako dito tapos aalis kayo?"

"Aalis tayo." Giro corrected.

"Walang tayo." I said that as reflex.

"Uy, foul..." Narinig kong bulong ni Axe.

Giro looked at me for a moment before he pushed his hair back, looking at the right side. Mas nadepina ang panga niya nang bahagya siyang tumingin sa taas habang ginagawa iyon. Ngunit nahuhulog parin ang ilang hibla ng buhok sa noo niya.

"Why did I ever think of getting even with you this way? Sana hinulog nalang kita sa tulay."

"I know you can't do that." I confidently said.

Pinsan ako ni Axe at magkaibigan silang dalawa. So I don't have to worry about anything. Kahit hindi ko sundin ang pinag-uutos niya, wala rin naman siyang magagawa sa akin. It's just that, I'm guilty for what I did.

"Right." He whispered to himself and nodded a bit.

"Tara na, Ali." Si Axe na may bahid ng ngiti ang labi.

I was supposed to eat lunch with my friends today!

I sighed dramatically.

"Saan ba tayo pupunta? Hindi ba pwedeng kayo lang dalawa?"

"May bibilhin daw si Giro sa bookstore."

"What? Bakit kailangang kasama ako?" Tanong ko, hindi pa rin tumatayo.

"'Wag na maraming tanong, Ali."

Tumayo na ako at umirap. Sumunod ako sa kanila. Akala ko sa bookstore ng university lang kami papunta pero ibang daan yung tinatahak nila!

Hindi nalang ako nagsalita at sumunod na sa kanila. Giro would glance at me from time to time at iniirapan ko kapag hindi na tumitingin.

Nasa parking lot na kami at may plano yatang lumabas. May isang oras at kalahati pa namang natitira sa lunch break ko kaya hindi na ako nagreklamo.

See You Soon, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon