Chapter 10

30 2 0
                                        

10

Naglalakad si Giro palapit pero nilapitan siya ng mga teammates niya at nakipag high-five sa kanya at ang iba'y tinatapik ang balikat.

Pagkatapos nilang mag picture sa gitna ng court, at tinawag nila ang mga taga SBM para sumama sa kanila. At nang natapos ay agad na lumapit ang mga nag-aabang na "fans" pero mabilis na umalis si Giro at nilagpasan lang ang gustong mag picture kasama siya.

At halos mapairap ako nang lumapit siya sa akin at tumayo sa lower level na bleacher para maging pantay ang paningin namin.

He spread his arms, clearly asking for a hug again. He's like this every after a game. I wrapped my arms around his neck and felt him stiffened. I think he didn't expect I would hug him, but I did because I was just so thankful for him kanina. Agad rin naman akong bumitaw.

He cleared his throat after the hug at medyo namumula yung tenga. "Lunch tayo? I'm hungry. May football game pa mamaya." He said and bit his lower lip to stop his smile.

At mamaya rin ang awarding at mukhang hanggang gabi ang program pero hindi na siguro ako manonood.

"Sana all." Narinig kong bulong ni Astrid so I glared at her but she just grinned.

"Gusto ko ng umuwi eh. I don't feel that well." Baling ko kay Giro.

Ilang sandali niya pa akong tinitigan bago nagsalita. "Alright, kunin ko lang mga gamit ko. Stay here. Wait for me."

And what does he mean by that?

Hindi na ako nagprotesta nang hinatid ako ni Giro sa bahay nina Axe. Hindi naman siya ganito at ako palagi ang inuutusan niya kaya lulubusin ko na.

"Hindi ka manonood sa game mamaya?" Tanong niya nang nasa labas na kami ng gate.

"Yeah, sorry. Good luck, though. Pero panalo na naman kayo. Halos lahat nga kayo parte ng football team ng university. Dapat hindi na kayo payagang maglaro eh."

"E'di wala na ring manonood niyan?" He smirked.

"Ang hangin mo."

"Hindi ah. That's a fact." He winked and smiled.

"Gustong gusto mo naman kapag may nagsisigawang mga babae. Tss. Pa fall amputa."

Tinanggal niya ang seatbelt niya para ibaling sa akin ang buong katawan at ipinatong ang kanang paa sa upuan niya, like he's so amused and interested with what I just said.

"What do you mean?" He chuckled.

"Wag mo akong pinagloloko. Laughing while playing football? Pabet mo." I said while smiling.

His eyes narrowed amusingly habang sinasandal ang kaliwang siko sa manibela at sinandal naman ang ulo niya sa nakasaradong kamay.

"Why? Effective rin ba sa'yo?" He laughed.

"And what if it is? Pananagutan mo?"

Bigla siyang nagseryoso at mukhang may gustong sabihin pero hindi alam kung itutuloy o hindi.

"Would you... let me? I mean-" He stopped talking and looked away. "Fuck." He whispered miserably.

"That was a joke. Don't think about it at mag focus ka sa game." I laughed. "Good luck!"

Tinanggal ko na ang seatbelt at binuksan ang pinto para lumabas.

By any chance... was he just playing around kaya mukhang nahihirapan siya when I gave signals that I like him? Or because as what he said, he's taken? But I'm the only girl around him right now. Wala akong nakikitang iba.

See You Soon, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon