01

81 8 5
                                    

Stained
CHAPTER ONE

"COFFEE for two, please." sambit ko sa cashier na kalaunang tumango habang ako naman ay napagawi sa aking relo. I heaved a sigh of impatience and frustration. Nasaan na siya sa oras na inaasahan ko? Umalis na ako sa counter at bumalik muli sa aking kinauupuan.

In the midst of running my hands through my hair out of stress, the bell of the café's door rang. At dahil nga sa narinig ko, napatingin na ako kung sino ang may sanhi ng tunog. Hinihiling na siya na nga ito.

Dumating ka rin.

Fucking finally.

A figure stepped closer to my table. His hands are on the sides, his hair seems fresh from shower and is styled neatly.

"Well, I hope I did not let you wait that much, Mr. Alfonso." the words slipped through his mouth so casually and professionally at the same time.

Did not let me wait that much? Gago ka ba? Isang oras at apatnapu't pitong minuto na ang nakalipas, ininom ko na nga 'yung kapeng para sana sa iyo kanina. Napabili ako tuloy ulit.

I cleared my throat. Kailangan kong pakalmahin ang leon sa loob ng katawan ko, ito ang editor-in-chief ng newspaper company namin. The literal late, the one and only, Rico Sarmiento. Ganito naman talaga itong si Sir, siya gagawa ng meeting pero siya ang huling dadalo. Palibhasa siya ang boss. Bakit ba 'di pa rin ako sanay sa pag-uugali niya?

Umupo siya sa kabilang upuan ng lamesa, inilapag ang laptop bag niya at akmang bubuksan na ito ngunit bago iyon tumingin muna ito sa akin.

"Sana hindi mo ako minumura sa isipan mo, Rome. I just ran some errands... kaya nahuli ako."

How ironic.

Mabilis akong sumagot. "Sir, impossible. That didn't even cross my mind until you said it." It didn't cross my mind, because it is already there.

Tsaka, may errands pa siyang nalalaman, late lang kamo siya ng gising. Napangisi ako nang patago.

"Anyway, can you cut to the chase? Bakit po kayo nagpa-conduct ng meeting?" I requested for his response as polite as I can, since my patience is trotting thin. "At sa akin lang, where are the other writers of our team?"

Pinatong niya ang kanyang magkabilang siko sa pangdalawahang binarnisang kahoy na mesa. "So you see, Rome, halos ang buong members ng team natin ay nabigyan ko na ng mabigat na trabaho. Lalo na sa news, puro tungkol sa politika ang kanilang pinagsusulat. Yours will be different, kaya maghanda ka."

Hindi politika? Edi easy lang pala 'to.

There is no need to prepare, I was born ready for this industry.

"Ano ho 'yon, Mr. Sarmiento?"

"The most well-known journalist of all time in our country, kilala mo naman, ang nag-iisang Paris Arquette. Gusto ko na sulatan mo siya para sa feature page ng bagong issue ng newspaper natin. I am giving you the whole January to do it."

Humigop ito ng kape niya na hindi ko namalayang sinerve na pala. "Alfonso, nais ko sanang isulat mo siya sa paraan na 'di pa nagagawa ng iba."

Lalo pang kumunot ang aking noo, patong-patong na tanong ang sumalubong at gumimbala sa aking pag-iisip.

Out of all people that I can write about, it is the untouchable Paris Arquette? Siya lang naman ang pinakabatang Filipino na naging news anchor ng international television network na TS13 sa edad na twenty-two noon. Laman siya ng mga magazines at balita sa mga panahon na 'yon.

"What exactly? I mean tungkol saan ang gagawin kong article sa kanya? Her power to write, her enchanting way of communicating, her unbiased way of-" Naputol ang pagsasalita ko nang 'di niya ako pinatapos.

Stained Where stories live. Discover now