Stained
CHAPTER TWELVE"IN A SPAN of one damn night, you managed to recover from your cold, get all drunk, do some 'seductive' dance, and vomit in a sink that is occupied." Paris enumerated my sins so sardonically.
Hinimas ko ang aking sentido. "Nagmamakaawa ako. Not the macho dance."
Pinakawalan niya ang halakhak na tila kanina niya pa tinatago. "Pagbalik natin trending ka na."
"Lalo na ikaw. Hello? Anyone who is beside Paris Arquette will be forgotten." The fact I spilled earned a simper from her.
Clearly, she is self-aware of the power that her nature holds.
"I told them if a video regarding that crossed social media, they'll be arrested."
"At naniwala naman sila?"
"Yes, Data Privacy Act."
"Threatened na ang mga lasing." Tinapik-tapik ko ang bisig niya, "I would be in a tighter spot if you didn't do that to protect yourself."
"I did it for us, Rome."
Having those words heard from her sent me the urge to grin widely that I would rip my skin and tear the thirteen muscles that form a smile. This tiny piece of information for her can complete my year. Ultimately, I'll write this down that notebook.
Tinuonan ni Paris ang hita niya gamit ang kanyang siko at pinatong ang mala-dyosa niyang mukha sa masisipag na palad niya. "Uy, nag-ba-blush!"
Ako ba ang tinutukoy niya? Malabo. Namumula ako? Ano ako high school boy na kinikilig? Hindi kaya.
Putek! Mabibistado na talaga ako. Dapat kong pag-aralan kung paano maiwasang ipakita ang ginagawa niya sa akin.
"Paris,"
"You need anything?"
"Just checking whether you're real." Bulong ko sa hangin.
Binaba niya ang paningin. "I can't tell if you're sober or what."
Ako ay nakaligo na. Matino-tino na ako. Sa sobrang lamig nga ng tubig, magigising ka sa katotohanan.
But I'd say I am half-sober and half-drunk. Letting her guess it is better, so I will zip my mouth about my current alcoholic state.
Susubukan kong iwasan muna ang matinding pagdaldal, naalala ko kasi 'yung mga kasabihan nila tungkol sa mga taong nalalasing. Sa ganitong kondisyon, madalas daw nilang nailalabas ang mga hinanakit, may mga pinagtatapat na sikretong malupit.
I won't be like them.
"Are you feeling sleepy? Turuan mo na lang ako ng mga moves mo."
"Sa panaginip." Ngumisi ako, kahit lunod na lunod ako sa pagsisisi.
Being pulled back into the hotel room by Paris sounds ironic to me. She likes both celebrating and crying in bars, but earlier, she requested for us to go here and just unwind.
Ayaw kong bigyan ng malisya, pero paano kung gusto niya na kami lang dalawa ang magkasama?
Binibigyan ko talaga ng malisya.
O nag-iilusyon lang ako? I cannot read what she has for me.
Pinagmasdan ko ang paligid. Matatanaw sa kalangitan ang mga kumikislap na tala. Nalalanghap ko rin ang smores na niluluto ni Paris rito sa may fire pit ng terrace. Hihingi nga ako, tutal magkalapit lang ang folding portable chairs namin. Nakakagaan din ang init na bitbit ng apoy na humahalik sa aking balat, dahilan kung bakit imposible akong manginig nang matindi sa kilig.
YOU ARE READING
Stained
RomanceStained Yet Fixed Duology #1 Simple, basic, and a hopeless romantic, that's what Rome Alfonso is. The greatest things in life come the least you expect it, so when he was given the chance on his job as a journalist to interview and write about the o...