17

24 5 0
                                    

Stained
CHAPTER SEVENTEEN

The next day.

BACKSPACE, pinindot ko nang pinindot ito sa keyboard ko. Pangit ang mga sinulat ko, walang saysay at walang kuwenta. Ito ay mga salitang pinagsasama-sama lang para masabing may nagawa.

I was provided a month to write, to prepare, so I could execute this rightfully. Well, look who got caught up in Paris, causing him to write days before the deadline, and is now procrastinating his piece. I am not pinpointing her, I just... I should have been responsible and not go out of town like I had nothing to accomplish.

Bakit ko ba ginagawang excuse 'yung gala namin? Tatlong araw lang naman iyon.

Mula sa pagkakadikit ng mga mata ko sa computer screen, inayos ko ang postura ko. Aking tinuwid ang pagsandal ko sa swivel chair.

Pagsapit ng dapit-hapon at sa pag-usbong ng buwan nitong Linggo, tinabihan ko siya. Umaasa na gigising siya, hanggang pag-asa lang pala. Nang mag-madaling araw na, napilitan akong bitawan ang kanyang kamay at kumayod.

Kahapon nang pumasok ako, wala akong ibang inisip kung hindi si Paris at ang rebelasyon ng kapatid niya. Her worst nightmare has come to life. 'Yung kinuwento niya sa akin noon, ang mga nagtatangka sa kanya, nakabingwit na ng pagkakataon. Resulta nito ay naging imposible ang pagsusulat para sa akin.

At nang pinuntahan ko na nga siya sa ospital kagabi, 'di ko nakita ang nakakila-kilabot na sitwasyon ay lubos pang lulubha. Pinagbintanggan ako sa krimen, na ako raw ang mastermind. Nilagay ako sa list of suspects ng pulisya.

Oh, nothing frightens me better than being accused of something you didn't do. Hell, I would never even do these things or any crime for that matter.

Tsaka, muntik na rin akong mapahamak dito, kung sakaling nakisakay ako sa kanya. Ngunit dahil kay Paris, sa interrogation, at sa kakulangan ng ebidensiya, binawi rin nila ang paratang at nagpaumanhin sila sa akin. Pinasalamatan din ako para sa kooperasyon ko.

Pinaglaban niya ako, sinalba at sinagip. She is my knight in shining bandages.

"Tulala ka na naman, p're."

"Puntahan mo, huwag 'yung nakatunganga ka lang diyan."

Binulabog na ako ulit ng dalawang 'to.

Pinaikot ko ang upuan at tama nga ako nang hinala. Hinintay ko lang ang idadagdag nila sa kanilang mga banat, kadalasan ganoon sina Brian at Juan.

"Ay, ubos na ang baon niyo?" ngisi kong pang-aasar nang nagtitigan na lang kaming tatlo.

"Hay. Gusto mo bang makalimot muna nang sandali sa nangyari?" ani Brian.

I fixed my reading glasses. "Nope. I want to be beside her."

"Does she want you to be there?" tanong ni Juan, puno ng pag-aalala ang tono niya.

"Fuck it, guys. Maybe she does or she does not, but I'll still stay for Paris. In her hard times, I would not lay back and be at ease. Her hard times are mine too." isang hingahan kong nilahad.

"Man, habang nag-aalaga ka ng iba, 'wag mong kalimutan at pabayaan na lang ang sarili mo."

"Korek ka, Brian. Mamamatay-tao ang nasa likod niyan, bro. We don't know how far they can go. Be careful of who you trust. That's it, Rome."

I huffed tiredly. They're right.

Hindi ako nagkamali sa desisyon kong ibahagi sa kanila ang palpak na assasination kay Paris. May kadamay ako, may masasabihan ako, at heto may nagbibigay pa ng payo sa akin. Dalawa pa sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stained Where stories live. Discover now