Prologue

89 6 7
                                    

Stained
PROLOGUE

Year 2011.

I am finally clean.

Clean and clear from school works, projects, stress, and overthinking. This is a rare period, I must savor it while it lasts.

"Hoy gago, andaming chicks sa may court! Halika, Rome!" Nakagigimbalang pagyayakad sa akin ni Juan habang may pilyong ngiti ito sa kanyang mga labi. Excited na excited pa ang tono ng pananalita.

What a jumpscare.

Kahit kailan talaga napakaloko nito. Wala ng ibang pumasok sa isip niya kung hindi mga babae, babae, at babae. Uhaw na uhaw.

His teenage hormones must be in shambles.

Mapakla ko siyang tinawanan at tinaasan ng kilay. "Ano naman? Sa tingin mo papatulan ka ng mga 'yon?"

Nasolo ko na ang mga standard ng kalahati ng mga kaklase ko. Huwag na tayong magbubulag-bulagan, halos ng mga pinapatulan nila ay 'yung mga malalakas ang dating, mga popular, at mga mala-badboy na athlete.

Doon pa lang, ligwak na siya. Maging ako na rin.

"P're, bakit ba ganyan ka?" Sumimangot siya. "Oo, papatulan ako! Ebriting is pasibol, eh." pagdedepensa naman ni Juan. "Tara na!"

Nanahimik lamang ako at nagkibit-balikat. Hindi maipagkakaila ang pagsusungit niya.

"Tangina, kung ayaw mo si Brian na lang isasama ko," Napakamot siya ng ulo. "kaso antaggal naman niyang mag-CR."

Makahulugan akong ngumisngis. "Baka may kababalaghan na ginagawa."

"Alam na." He tsked, his mouth pursed in a mischievous smirk. "Oh siya, bahala ka diyan mag-isa."

Inilingan ko na lang siya. "Sige, layas ka na. Enjoy now, iyak later."

Nang sabihin ko iyun agad niya na akong tinalikuran, ngunit hindi pa siya nakuntento. Humarap ba naman sa akin at itinaas ang kanyang gitnang daliri sa pagmumukha ko.

Ang babait talaga ng mga kaibigan ko, pero kahit ganyan kami sa isa't-isa, mahal ko ang mga 'yan. Mahal ko ang pagiging magalang sa pagsasalita ni Juan at ang pagiging simple ni Brian sa pagporma kaya siya nagtatagal sa banyo. Mahal ko sina Brian at Juan.

Sila ay dalawa sa mga saksi ng pag-agos ng buhay ko. Third grade pa nang magkakilala kami. Napapikit lang nang sandali, tenth grade na. Tsaka, tatatlo na nga lang kami, may choice pa ba ako na maghangad ng iba?

Even if we are just these young adults whose lives are nowhere near to prosperity, we have dreams, goals, and aspirations. 'Di man kapani-paniwala para sa dalawang baliw na iyon, pero may pagkahumaling sila sa pagsusulat. Nahuhumaling din ako rito, baka nga mas sobra pa sa kanila.

Kasalukuyang intrams namin dito sa school, kasabay din nito ang mga interschool tournaments. Lahat ng mga varsity, mga estudyanteng mahihilig sa sports o sa kung ano-ano pang palaro, at maging ang mga katulad ni Juan ay napupuno ng ligaya ngayon.

Para naman sa mga naghahanap ng maliligawan o jojowain pero ayaw sa mga schoolmates, sinuswerte rin sila. Sapagkat, may mga representatives ang ibang mga paaralan na pinadala rito para makipagbakbakan.

Samantala, ang mga wala namang kaalam-alam at wala ring balak na matuto ng mga palaro na 'yan - kasama na 'ko roon - ay tambay lang kahit saan sa buong campus. Ayos!

Nagbanat ako ng buto para mawala ang antok ko. Kanina pa ako nakatunganga sa may waiting area, malapit sa court na tinutukoy ng gago kanina. Nakatulala sa kawalan at nag-iisa. Napaka-boring, ngunit wala namang kasamang annoying. That's an advantage.

Stained Where stories live. Discover now