Stained
CHAPTER FOURTEENSNAP out of it, Rome.
Overthinking would alter her emotions towards me by no means. Kaysa magmukmok ako rito na parang iyaking hindi napagbigyan ang gusto, mabuti pang aksyunan ko na ito.
Pagkauwing-pagkauwi namin mamaya, gagawa na ako ng mga plano at hakbang para maging mas matinong tao. Mga hakbang na patungo sa taas kung saan ko maaabot si Paris, kung saan mapapatunayan ko sa lahat na karapatdapat siya sa akin.
Ang mga ito ay para sa kanya, siguro para na rin sa sarili ko.
What should be the first step I take? What is it that I must improve, develop, or better yet, change in myself to grasp any recognition from her that is momentous than just this alliance?
Hinala ko na masyadong malamlam ang pananamit ko, walang istilo at kulang sa personality. Kay rami ng kapareho kong pumorma. Baka kapag mas pinaggastusan ko pa ang mga damit ko sa pamamagitan ng pagbili sa mga mamahalin, sosyal, at branded stores, mapapansin niya ang pagpapapansin ko.
She likely prefers men who is as capable and stable as her monetarily.
How could I show her the world when I do not have what it takes?
Bilang empleyado, fixed ang kinikita ko. Kung ayun lang, pagtiyagaan na. Mag-tatatlong taon pa lamang akong nagtatrabaho sa company network namin ngunit may savings naman ako. Ang conflict ay para sa kinabukasan ng sarili ko ito.
Ano pa ba ang kulang sa akin?
Ito bang mga bumubulong na mga boses at mga konlusyon na nabubuo sa isipan ko ay sagabal o makakatulong sa 'kin sa pagtagal?
Tinuldukan ng nagsalita ang pag-iisip ko. "Narito na ho tayo, mga boss, ma'am, at sir. Iwasan pong magsiksikan at bumaba nang sabay-sabay. Ingat din po kayo sa mga biyahe niyo. Maraming salamat sa pagbisita rito!"
Nagsitayuan kami at binuhat ang mga dala-dala namin bago tuluyang bumaba ng shuttle.
Sa malabong maipaliwanag na kadahilanan, napabaling ako sa aking likuran upang makatagpo ang mataray na 'yon.
Hindi nakalagpas sa akin ang matamlay niyang hitsura. Ang nakasanayan kong postura niya na mapagkakamalan mong nag-eensayo para sa labanan ay malayo sa kung ano ang lagay niya ngayon. Balikat ay tila bibigay, tuwid ang guhit ng labi, at nakalitaw ang kulot-kulot sa noo pati na sa gilid ng nagtutubig niyang mga mata.
Where did the amazona warrior transported to? Malungkot yarn?
Sa puntong ito, higit akong mabibigla kung hindi kami magkakasabay sa iisang eroplano.
Bumati sa amin ni Paris ang malawak na paliparan at ang mga sampu-sampung eroplanong nakaparada rito.
Nasobrahan ng isang oras ang pananatili namin sa loob ng airport, dahil may mga patakaran pang kinailangan naming sundin. Halimbawa na lang ang pag-check in ng mga bagahe, pagkolekta ng aming mga boarding pass, at security screening.
Naghanda na kami sa pagsakay sa plane na nakadestino sa 'min, ayon sa mga impormasyon na hatid ng airline website.
Nang matagpuan ko na ito, pinaalam ko na nang mabilis kay Paris. Posible kasing iwanan pa kami nito.
Tumungtong kami sa hagdanan at umakyat nang maingat hanggang sa maabot namin ang pinto na binuksan ng flight stewardess habang nakangiti.
Demanding ang trabaho nila. Dapat palaging welcoming at accommodating, labag man sa kalooban nila o hindi.
I roam my orbs around. The interior is as grand and galactic as it is from the exterior. Each side has two columns of cobalt blue seats partnered with mini screens on the back and storages from both below and above. Flaxen light-emitting diode are all over the edges and corners, providing additional brightness to the aircraft.
YOU ARE READING
Stained
RomanceStained Yet Fixed Duology #1 Simple, basic, and a hopeless romantic, that's what Rome Alfonso is. The greatest things in life come the least you expect it, so when he was given the chance on his job as a journalist to interview and write about the o...