02

52 6 0
                                    

Stained
CHAPTER TWO

KAPE ni Pepe.

Ang sarap talaga ng kape nila.

Muli na naman akong napatitig sa kaliwang kamay ko at napangiti na parang sanggol, iyan lang naman ang isa sa libo-libong kamay na nakahawak sa palad ng pinakakilalang journalist sa Pilipinas.

Nandito ako muli sa coffee shop na pinuntahan ko, tatlong araw na nakalipas. Mayroon na lang akong halos dalawampu't pitong araw upang masulatan ko si Ms. Paris Arquette, gustong-gusto ko na simulan ito pero sa tama na paraan.

"Mahirap siyang lapitan lalo na't kapwa journalist si Paris, kabisadong-kabisado niya na ang mga pasikot-pasikot ng industriyang ito."

Ito ang pinag-iisipan ko.

Tumatak ang mga sinabi sa akin ni Sir Rico nung nakaraan. He spilled nothing but facts.

The project is already challenging and hard, but the picture of her is making me- the project harder.

I am down bad.

Bumuntong-hininga ako at ibinalik ang atensyon sa laptop screen. Kung noong mga dumaan na araw, puro ako pagsasaliksik sa buhay ni Miss Paris; ngayon, mas pinagtuonan ko ng pansin ang mga sulat niya.

She is outstanding, unbiased, and true. Paris is everything we need in the journalism world.

"To summarize it, the crisis began with multiple tormenting waves of corruption. Will it end with Filipinos drowning in the sins of the government? The Philippines can respond better than this in the hands of the right and true leaders. Only time will tell what the future holds for everyone, so use that time well on deciding who to vote and who to NEVER vote for again."

Nalaglag ang panga ko matapos kong basahin yung paragraph na yun. Grabe! She said it with conviction, her persuasive editorial article did not fail to persuade me.

Malamang sa malamang, napakaraming 'lider' ang natamaan sa sinulat niya. Well deserved.

"Sir, ito po 'yung in-order niyo na snack, the BFF meal, burger at French fries."

Inilabas ko ang wallet at pera ko, tsaka inabot ko ang isang daan at singkwenta pesos sa waitress.

Napansin ko ulit ang mahiwagang calling card niya. Should I call her? Should I go personally to her?

I like the latter better.

Masanay na kayo kung may kalapit kayong journalist. Kadalasan, mga walang hiya iyan tulad ko – confident and straightforward. Wala nang paligoy-ligoy, baka maging bato pa ang diyamateng pinagkaloob sa akin.

Inayos ko na ang mga gamit ko, papabalot ko nalang 'tong mga pagkain na binili ko. Malay mo, favorite niya ang mga ito, we can share.

Napagawi ako sa card at ibinulong ang address niya, "Arquette Company Building, Cornelia Street, Manila."

Roger that, I'm on it.

"Salamat po, Manong. Keep the change." Bumaba na ako mula sa tricycle na sinakyan ko.

Currently, I am standing firm and tall as a pillar outside of the family building of the Arquettes.

Kung dati nadadaanan ko lang ito, ngayon, papasukan ko na.

The structure was constructed by thousands of strong blocks. The shape resembled a pyramid, creating an exceptional and more unique look compared to the other ones beside it. Its stunning walls are made from gold-stained glasses.

Mamahalin, buti pa 'to mahal.

I adjusted my tie, approaching the entrance. Inalis ko na ang natitirang kaba sa loob ko, oras na para magtrabaho. Nakaabang na kaagad ang guwardiya, nakapamewang pang nakatitig sa akin.

Stained Where stories live. Discover now