07

22 5 0
                                    

Stained
CHAPTER SEVEN

"YOU just reminded me of Lyon." Mapait at mahinang tugon ni Paris sa tanong ko kung kumusta siya, kung bakit may luhang pumatak sa kanyang pisngi.

How do I respond to that?

Ganito yung gagong yon? Aba, sweet pala noon. May pa-flowers pang nalalaman! Sa aking idea yon eh!

Hindi naman sa pagiging judgmental, ngunit 'di ko talaga mapigil ang sarili kong tigilan nang husgahan at isumpa ang dating nobyo niya. Sinaktan niya kasi ang kaibigan ko.

However, I have something to admit.

A hint of storm threatened to unleash its hurricane when Paris said those right into my face so innocently and casually... without knowing that those simple words hit me like a truck. There is this uneasy feeling in my stomach that I can't get rid of.

Why am I so affected that Paris saw Lyon in me? And why am I affected in a bad way?

May kaisipang bumabagabag sa kapayapaan ko.

Paano kung itong bakasyon namin, ako nga ang pisikal na kasama, pero si Lyon ang nasa isip at puso niya?

Paano kung tama ang hinala ko?

Paris, paano naman ako?

Na-obserbahan niya na wala akong maisagot sa kanya maliban sa mabagal na pagtango.

"Not you yourself, Rome. Just that one sentence you said in particular." Paglilinaw pa niya upang pagaanin ang atmospera. Iwinagayway niya ang buhok at huminga nang marahas si Paris, parang sinusubukang kalimutan ito.

"I ruined the moment, didn't I?" Tumikhim siya.

Doon lang ako nagkaroon ng comment. Talagang naubusan ako ng salita kanina, dahil sa pagpintig ng dibdib ko.

Matulin akong umiling, munting tumaas ang labi ko. "Not at all."

Kailangan good vibes lang palagi, Rome! Isip-isip ng paraan, kaya ka may utak, p're! I will just shake these intrusive thoughts of. For now.

Agaw-pansin ang paghuhuni-huni ng mga ibon dito na nagsisilapagan sa puting-puting buhangin ng beach.

Naks, sa mga may dilag pa talaga nagpatungo ang mga hokage birds na 'to. Mahilig sa mga chiks.

Speaking of birds...

"Lumipad kaya tayo, Paris?"

Bumalik na ang nakasanayan kong ekspresyon niya. Once again, I am happy that she's happy with me.

"What kalokohan do you have in mind, hmm? Don't tell me mag-zizipline tayo-"

Naging higante ang ngisi ko.

"Mag-zizipline tayo."

Hawak-kamay ko siyang binitbit papunta sa entrance ng isang mahaba't kay taas-taas na hagdang yari sa bakal na may sign na "Mount Luho Zipline".

On the way here, Paris was wide-eyed and shivering just by the mere sight of it. According to her, this is breathtaking and thrilling in the worst way.

Dagdag niya pa na mas kinikilabutan pa raw siya rito kaysa sa mga kriminal at personalidad sa politika na napanayam niya. Nakuha pang magbiro ni Paris kahit pa mukhang naiihi na siya sa takot.

May sagot na sa tanong ko kung ano ang hindi niya kayang gawin o kaya nahihirapang gawin! At ito ay ang harapin ang heights!

Upang aking masiguro na siya talaga ay sasabak dito, hinayaan kong siya ang mauna sa pag-akyat sa halos limampung mga hakbang.

Stained Where stories live. Discover now