Stained
CHAPTER TENBORACAY PUB CRAWL.
Isang dambuhalang tarpaulin at maliwanag na palamuti ang sumalubong sa amin ni Paris, nakasabit ito gamit ang lubid sa dalawang palm trees sa tinatayuan namin ngayon.
The amber neon lights made the sign glisten as bright as the stars of an in-love person's eyes. Bagay na bagay para sa mala-abong kulay ng langit tuwing gabi.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang naabot na namin ang entrance. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at una siyang pinapasok, bago ako sumunod sa likod niya.
Agaw-pansin ang mga taong nagsasaya - nagwawalwal pa nga ang iba. Literal na pub crawl, dahil may mga lasing at naloko na gumagapang na sa lapag. Karamihan sa kanila ay nakasuot ng dilaw at may itim na tatak ng nasabing pub crawl.
Napagawi ako sa damit ko. Maroon polo shirt, light brown chino shorts, at tsinelas. Matino 'to, malayo naman sansasa pagiging pang-fuckboy ang dating. Malamang may brief din ako.
Habang si Paris ay naka-pilak na fringe dress, nakalugay ang buhok, at ang mga paa ay nababalot ng puting flat shoes. Mukhang inasahan niya na masasaktan siya kapag heels ang suot. Tungkol sa kanyang salawal... ewan ko, labas na ako roon.
Pustahan tayo, kahit mag-trash bag lang siya at walang make-up, kasingtumbas lang din nito ang kariktan niya sa araw-araw. How to be with you po?
Nangingibabaw din sa pandinig ang mga tugtuging pang-club. Ang mga ilaw ay nagbabagong-kulay at pumipitik-pitik. Umaalingawngaw ang pinaghalong amoy ng mga inumin at pagkain na hinahatid ng mga miyembro ng service crew.
Kinalabit ko ang manginginom na babaeng nagyakad sa aking pumunta rito. "Hilig mo ba talaga ang mga lugar na ganito?"
"At first, no, but I've grown to like it the more I go here."
"Bakit?"
"This feels like an escape. Here, no one knows you enough to judge you, since they're all drunk as hell."
"You do have a point. Ayun lang ba talaga ang rason mo?"
Parehong mapait at mapaglaro ang ngisi na ibinagay niya. "You will also figure out that you're not the only miserable person in Earth, you just have to look around." She waved a hand over the whole place for me to witness.
Paris is right. At the very least, one of these people is searching for a temporary seal for their life problems. Their happiness are depended on indulging on these drinks, creating a two-second bond with strangers, and other more coping mechanisms. Though, I barely do the same, I understand them.
Life stains you multiple times that you begin to believe that cleaning yourself is just repetitive and will never be fit to fix what was broken on the inside.
"Or I really just love partying." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Come on, loosen up! The only rule tonight is to have fun, Rome." Iniyugyog niya pa ang mga ito at hinila ako sa dancefloor nang maligalig.
"Hoy, 'di ako marunong sumaya-"
Tamang-tama pagsabak namin ay pinalitan ng DJ ang kanta. Isang pamilyar na awitin ang lalong nagpagising sa madla.
Hiyawan silang lahat, hindi ko naman sila masisisi lalo na kung ito ang kanta.
Can't count the years on one hand
That we've been together
I need the other one to hold you
Make you feel, make you feel betterUnang parte pa lang ng tugtog, si Paris, yumuyugyog na. She swayed her hips from side to side, partnered with lifting her hands into the air as if no one's here watching her. Meanwhile, I stood beside her, deep in thought of how I should dance to impress.
YOU ARE READING
Stained
RomanceStained Yet Fixed Duology #1 Simple, basic, and a hopeless romantic, that's what Rome Alfonso is. The greatest things in life come the least you expect it, so when he was given the chance on his job as a journalist to interview and write about the o...