06

21 5 0
                                    

Stained
CHAPTER SIX

MEMORIES of him invaded my mind like a colonizer conquering everything around me. His words cut deeper than any knife, piercing right into my heart each second that passes... killing me so immensely. I am forever reminded of the steps he took away from me. Those shot bullets to my body, breaking my soul. Breaking me like a controlled country. Tearing me apart.

Thank you, Lyon.

Ganito pala ang pakiramdam nang masaktan ng taong hindi mo inaasahang sasaktan ka. Mas masakit pa sa mga pasakit sa buhay ko, kasi siya yung nagpapagaling sa akin noon. Ngayon na tapos na ang kuwento namin, sino pa ba ang natitira riyan para sa akin?

I am the Paris who is available to help and lend a hand to every body, always known as the reliable person out of a million. I am the Paris who is used to be the shoulder for the people in need to lean on.

Now, I'm the one who is need... whose shoulder can I lean on?

Bakit kaya ganoon? Kayang-kaya ko punasan ang luha ng iba, ngunit ang simpleng pagbibigay ligaya sa aking sarili ay hindi ko magawa.

I give words of affirmations and life suggestions, yet I cannot take my own advice.

There will be no one who is willing to fix what was stained, I would have to do it all by myself.

Ang hirap ng ganito. Ayung sanay ka nang may karamay sa mga pinagdadaanan mong problema, ayung nasanay ka na sa pagkakaroon ng malalapitan sa mga masasama at masasayang panahon. Tapos bigla lang maglalaho yon, dahil bumitaw na siya.

Binitawan na ako ni Lyon.

Kahit ilang beses kong sabihin na patas lang kami, na parehas kaming may mga pagkukulang, ayaw pa rin talaga lumabas mula sa isip ko ang libo-libong mga tanong. 

Bakit kailangan pa niya akong paasahin sa wala?

Bakit siya nakipaghiwalay nang bigla-bigla?

Kahit man lang signs na hindi mo na kaya, bakit hindi mo ako binigyan?

Siguro nga tama siya. Malapit na malapit na akong maniwala sa paliwanag ni Lyon na baka ang pinagsamahan namin ay isang pagsusulit parating sa mas makabuluhan pang tao na mamahalin kami kahit ano mang oras, distansya, o kapwa-taong mamagitan sa amin.

Pero hindi si Lyon ang tao na iyon para sa akin at ganoon din ako sa kanya.

Sa anim na taon naming pinagsaluhang relasyon, tsaka ko lang napagtanto na may trust issues siya. Akala ko kasi komportable siya sa sitwasyon namin. Akala ko kasi ayos lang 'to, na kalaunan ay titira rin kami sa iisang bubong kung saan sana kami'y magsisimulang magtanim at magpalago ng pamilya.

Hanggang akala lang pala ang lahat.

Marahan kong pinunasan ang mga tumutulo kong luha. 

Looking back at my phone's gallery and realizing that there are more pictures of him here than myself is not a good idea.

Ilang buwan na rin ang natapos na sa kalendaryo, hindi ko pa rin talaga mabura ang mga litrato niya at naming dalawa na magkasama. Parang may pumipigil sa akin. 

Stained Where stories live. Discover now