SPECIAL CHAPTER II

41 4 0
                                    

Reminiscing the Past (Part Two)


RJ's POV


Panibagong araw na naman at gagawin ko na naman ang daily routine ko. Wala pa akong trabaho ngayon. Next month pa ako magsisimula. Sa company nila Ate Hailey ako magta-trabaho.

Dahil wala na si Maky ay si Ate Hailey na ang namamahala ng kumpanya nila dito sa Pilipinas. Habang nagma-manage ng kumpanya nila ay nag-aaral ulit siya. Wala na kasing choice eh kundi siya na.

Anyway, matapos kong mag-devotion ay dumiretso na ako sa banyo at naghilamos. At pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa kusina para mag-agahan.

Pagdating ko sa kusina ay nakaluto na si nanay at kakalabas naman ni tatay sa kwarto nila at nakabihis na ito.

"Good morning po nay, tay." bati ko sa kanilang dalawa at bumati din sila pabalik.

Nakaupo na kaming tatlo. Nagdasal muna kami bago kumain.


Habang kumakain ay nagsalita ako.

"Uhm nay, tay. Punta ako sa CSU ngayon. May mga bagay pa daw kaming kailangan gawin."

"Hatid kita?" sabi ni tatay.

"Di na po. Susunduin daw po ako ni MJ."

"Magda-drive siya?" tanong ni tatay.

"Hindi po. Ihahatid po siya ng driver nila at sasama na lang daw po ako sa kanya."

"O siya sige. Mag-iingat kayo." sabi naman ni nanay.

"Opo."


Pagkatapos kumain ay naghugas na muna ako ng pinagkainan bago maligo.

Nakaligo na ako at nakapag-ayos na. Kasalukuyan akong nasa sala at hinihintay si MJ. Nakaalis na rin si tatay.

Habang hinihintay siya ay nag-browse ako sa gallery ko at tinignan ulit ang mga pictures namin ni Maky.

Alam kong isang taon na ang nakalipas pero di ko pa rin siya makalimutan. Lagi pa rin siyang sumasagi sa isipan ko.


Makalipas ang ilang minuto ay may bumusina na sa labas.

"RJ, anak. Yan na ata si MJ." sabi ni nanay sa akin na lumabas pa sa kwarto nila ni tatay.

"Ah opo. Punta na po ako." tumayo na ako at humalik sa kanyang pisngi bago lumabas ng bahay.



Nakarating na kami sa CSU at pumunta na sa sarili naming organization. Ginawa na ang mga dapat gawin at tinapos na lahat ang dapat tapusin.

Finally! Nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral. Ang dami kong napagdaanan sa school na to. Campbell State University. Sa paaralan na to ay madami akong nakilalang iba't ibang klase ng tao. May mga mababait, masusungit, mga caring, bullies, mga mean na tao at marami pang iba. At sa school na to, nakilala ko si Maky. Si Maky na marami ring naituro sa akin tungkol sa buhay. At ang lahat nang yun ay mananatili sa puso ko.

Pagkatapos ma-settle lahat ng mga kailangan gawin ay napagpasiyahan na naming maghiwa-hiwalay ng mga kaklase ko. We bid our farewells and saying we're gonna miss each other.

Di pa tapos sina MJ at hihintayin ko na lang daw siya sa labas ng school. Bago ako lumabas ay nag-ikot ikot na muna ako sa loob ng campus.


𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon