Chapter Seventeen: NEW PHONE

78 16 40
                                    

RJ's POV


Nasa daan na kami pauwi. Ayaw ko sana talagang magpahatid pero nag-insist din ang mommy ni MJ gaya niya kaya sa huli ay ihahatid nila ako sa bahay.

"Nakakahiya talaga Tita Estella. Ang layo pa naman ng bahay namin sa inyo." nahihiyang sabi ko sa mommy ni MJ.

"Okay lang RJ ano ka ba. Para sa kaibigan ng anak ko, okay lang. Atsaka, baka mapano ka pa sa daan kung mag-isa kang uuwi. Tignan mo nga yang nangyari sayo oh. Kung sa anak ko nangyari yan, naku, magco-complain talaga ako sa school. At hindi lang dapat community service ang parusa ng mga gumawa sayo niyan, dapat ma-expel sila." sermon naman ni Tita Estella. At halata din sa kanyang boses ang pag-aalala.

Naikwento kasi ni MJ kung ano ang nangyari sa akin kanina. Ano rin kaya ang magiging reaksiyon ni nanay kapag nakita niya ako? Ano rin kaya ang sasabihin niya? Magagalit kaya siya? Hays.

Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa kung ano ang sasabihin ni nanay. Pero sasabihin ko ba ang totoo? O magsisinungaling na naman ako? Bahala na kung ano ang maisip ko mamaya.

"Mie, ang OA naman yang expel. May pangarap din yung mga taong yun. Okay na yung community service no. Deserve na nila yun. At sana may matutunan sila. Atsaka first offense pa lang naman. Subukan lang nilang ulitin." sabi naman ni MJ sa mommy niya at tumango-tango na lang kaming dalawa ni Tita Estella.

"May point ka naman diyan. Pero sana lang, hindi na nila ulitin." sagot ni Tita Estella sa sinabi ni MJ. Sana lang talaga may matutunan sila sa parusa nila.

"Ah, by the way, mie. Di ba may kilala kang ophthalmologist? Baka naman pwede mong i-refer si RJ, basag na kasi ang eyeglass niya eh need na niya ng bago. Pwede ba? Baka naman pwede din niyang bigyan ng discount." pagpapa-cute na sabi MJ sa mommy niya. Habang sinasabi ni MJ ang salitang yun ay tumingin si Tita Estella sa rearview mirror ng kotse at tinignan ako.

"Oo nga eh. Kanina ko pa din napansin yan. Don't worry, I will inform her para mabigyan ka ng appointment." ngiting sabi ni Tita Estella sa akin. Nagkatinginan kami ni MJ at nagngitian. Ang bait talaga ng bespren ko. Nagmana siya sa mommy niya, mabait din.

"Thank you po Tita. Kahit wala nang discount. Okay lang yun. Hehe." nahihiya kong sabi sabay tingin kay MJ na may pilit na ngiti.

"Ano ka ba RJ. Tulong ko na din sayo dahil I wasn't there when you need me. Kaya huwag mo nang tanggihan yung discount. I think, mabait din naman si Tita Mariko." sabi ni MJ. Sabi ko nga yan ang sasabihin niya. Hays. Nakakahiya kaya.

"Oo, RJ. Huwag ka nang mahiya. By the way, we're here." tumingin ako sa bintana ng kotse at tanaw ko na nga ang bahay namin. Huminto na ang kotse nila at nagpaalam na kami sa isa't isa.

"Thank you, MJ ah. Thank you din Tita Estella sa paghatid at sa appointment ko sa eye doctor. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi." ngiting sabi ko sa mag-ina at tumingin ako kay MJ. Nagbeso kami sa isa't isa at nagngitian. "Bye bespren, ingat!"

"Byie bespren. I will text you na lang kung kelan ha?" ngiting sabi din ni MJ sa akin at tumango na lang ako sa sinabi niya. At umalis na sila.

Pero wait. Itetext? Hindi nga ma-open yung phone ko diba? Pero try ko pa rin later na buksan.


Nang makapasok na ako sa bahay ay ibinaba ko na muna ang bag ko sa upuan sa sala at pumunta sa kwarto para makapagpalit na. At nang makabihis na ako ay bumalik ako kaagad sa sala at binuksan ang bag ko at inilabas ang phone ko.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon