RJ's POV
Nasa daan na ako papunta sa clinic ni Doc Mariko para kunin na ang new eyeglasses ko. Hindi ko na kasama si MJ kasi may family outing sila dahil daw may mga kamag-anak daw silang dumating galing sa abroad na nagbakasyon.
Kaya ngayon ay mag-isa akong papunta sa clinic. Nakasakay ako ng tricycle.
Nagtext kasi kagabi ang secretary ni Doc Mariko na pwede ko na daw kunin ang eyeglasses ko anytime doon sa clinic mismo at napagdesisyonan kong ngayon ko na lang kunin.
Pagkatapos naman doon eh dederetso na ako sa bahay nina Samantha para gawin na ang output sa activity namin noong UniSportsFest para sa major subject namin. Nasabi ko naman sa kanila sa group chat namin na hahabol na lang ako sa kanila at nag-agree naman silang lahat.
Akalain mo. Yung mga panahon na si MJ lang ang kaibigan ko. Pero ngayon eh marami na sila. Sa group activity lang pala ako magkakaroon ng maraming kaibigan. Iba talaga ang plano ng Diyos. Just trust the process and trust Him as well.
Nakuha ko na ang eyeglasses ko at nagbayad na rin ako. Binigyan niya talaga ako ng discount. So ngayon ay papunta na ako sa bahay nina Samantha. Kumpleto na daw sila lahat doon at ako na lang ang kulang. Sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay nina Samantha.
Pagkarating ko sa bahay nila ay bumaba na ako sa tricycle at dumiretso sa entrance gate. Opo. Entrance gate dahil may exit gate din sila. Hahaha. Malamang, kung may entrance, may exit din diba? Parang shunga lang, RJ. Hahaha.
Anyway, yung doorbell nina Samantha ay yung parang sa Korea na may camera chu chu pa para makita mo na agad kung sino yung nandoon sa labas kahit nasa loob ka pa lang. Kaya malalaman mo kung kilala mo yung nag-doorbell o hindi. So ganun nga yun. Bakit ba kasi ako nage-explain? Lol.
Nag-doorbell na ako at may nag-click na sound. Ibig sabihin nun, pwede na akong pumasok. Oh diba, parang sa Korea lang talaga. Hahaha.
Anyway highway nakakarami na ako ng anyway, pumasok na ako at nasa sala silang lahat at nagkumpulan silang lahat kay Samantha na nakaharap sa laptop niya at tatawa-tawa pa silang lahat. Kaya naman ginambala ko na sila sa kanilang ginagawa.
"Sorry guys. Late na ako. Ano ba yang ginagawa niyo?" napatingin silang lahat sa akin na nakangiti dahil sa kanilang pinapanood.
"Halika RJ, panoorin mo ito. Manood na muna tayo bago magsimula. Hehehe." nagsalita si Samantha at lumapit na rin ako sa kanila para mapanood ang kung ano mang yang pinapanood nila.
Nang makita ko kung ano yung pinapanood nila ay sa Youtube pala. Pinapanood nila ang isa sa mga sikat na Youtuber/Vlogger sa bansa na si Mimiyuuuh. Nakakatuwa nga talaga siya, mag-subscribe nga rin ako sa kanya para mapanuod ko din mga videos/vlogs niya. Ang paborito ko kasing youtuber o vlogger ay si Alex Gonzaga tapos sunod si Toni Gonzaga.
Pagkatapos manood ay ang dami naming tawa. Comedian talaga ang isang yun.
At pagkatapos nun ay pumwesto na kami para gawin na ang output namin.
Nagsalita si Samantha para i-assign niya yung mga parts na gagawin.
"Nichole and Clover, kayo yung nag-documentation diba?" tumango sina Nichole at Clover. "I-compile niyo yung mga photos and then pumili lang kayo doon yung pwedeng ilagay natin for the documentation part. Huwag na nating damihan pero gumawa na lang kayo ng slides para sa reporting."
BINABASA MO ANG
𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃
Teen Fiction[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 𝚁𝙹 𝚊𝚗𝚍 𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚟𝚎 𝚘𝚞𝚝 𝚝𝚘 𝚊 𝚗𝚎𝚠 𝚙𝚕𝚊𝚌𝚎. 𝙰𝚗𝚍 𝚝𝚑𝚊𝚝'𝚜 𝚠𝚑𝚢 𝚁𝙹 𝚝𝚛𝚊𝚗𝚜𝚏𝚎𝚛𝚜 𝚝𝚘 𝚊 𝚗𝚎𝚠 𝚜𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕 𝚊𝚐𝚊𝚒𝚗. 𝙸𝚗 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚗𝚎𝚠 𝚜𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕, 𝚜𝚑𝚎 𝚊𝚌𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕�...