RJ'S POV
Nakauwi na ako dito sa bahay. Mga 2:00 pm na nang makauwi ako.
The lunch went well. Ang babait ng mga kamag anak nina Ate Hailey at Maky. Ang sarap pa ng mga pagkain. Sa mga oras na nandoon kami sa restaurant ng tito nila, hindi ako na-out of place. Sinigurado ni Ate Hailey na hindi ako mao-OP.
Ang saya pa ng pamilya nila. Hindi ko maiwasang mainggit. Hinihiling ko na sana ganoon din ang pamilya ko. Bagaman masaya naman kami ni nanay kahit kami lang dalawa. Pero iba pa rin kapag kasama mo yung mga tito, tita, mga pinsan ganoon. Nakakamiss tuloy sila. Kukumustahin ko sila kapag nagka-time ako.
Anyway, so much on that. Magdra-drama na naman ba ako? Bago pa matapos ang araw na to. Kinuha ko ang bag ko na gamit ko sa school na nakalapag sa lamesa ko sa kwarto at inilabas ko ang notes at modules ko.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala.
Magbabasa na lang ako sa mga pass lessons namin at baka may magpa-surprise quiz na naman. Kakatapos pa naman ng University Sports Festival. And speaking of that, review ko na din ang report namin para sa group activity namin. Hayss. Nakaka-stress. Joke.
Habang nagbabasa ay bigla bigla ko na lang naalala si Maky. WHAT??! Bakit siya pa? This can't be.
Napailing na lang ako sa naisip ko.
Tina-try kong magbasa pero parang walang pumapasok sa isipan ko. Hindi na ako maka-focus dahil kay Maky. Ugh!
"Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot sa isipan kong boss devil ka! Ugggh!!" nasabi ko na lang sa sarili ko.
Pagkasabi ko nun ay may nagtext. Tinignan ko ang phone ko. Leche flan bigay to Maky ah. Anubaaa??!
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang nagtext. At leche flan ulit. SI MAKY ANG NAGTEXT!
Bakit ganito?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Itinapat ko ang aking isang kamay sa aking dibdib.
Napakabilis ng tibok nito. Napalunok ako tapos napapikit ako.
At sa pagpikit ng mata ko ay si Maky pa rin ang nakikita ko. Kaya naman iminulat ko agad ang mata ko.
"Anong nangyayari sayo RJ? Bakit ka nagkakaganyan kay Maky?" tanong ko sa sarili ko.
Pati sarili ko kinakausap ko na. Ganyan ka naman talaga eh ever since pa. Kinakausap mo talaga sarili mo. Ang galing lang ha bes konsensiya. Nandiyan ka na naman. Tumahimik ka na muna dahil naguguluhan ako.
Naguguluhan?
Para saan?
Kanino?
Kay Maky?
At kay Maky talaga?
Siya talaga ang una mong naisip?
OO! KASI KANINA MO PA SIYA INIISIP!!!
BINABASA MO ANG
𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃
Ficção Adolescente[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 𝚁𝙹 𝚊𝚗𝚍 𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚟𝚎 𝚘𝚞𝚝 𝚝𝚘 𝚊 𝚗𝚎𝚠 𝚙𝚕𝚊𝚌𝚎. 𝙰𝚗𝚍 𝚝𝚑𝚊𝚝'𝚜 𝚠𝚑𝚢 𝚁𝙹 𝚝𝚛𝚊𝚗𝚜𝚏𝚎𝚛𝚜 𝚝𝚘 𝚊 𝚗𝚎𝚠 𝚜𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕 𝚊𝚐𝚊𝚒𝚗. 𝙸𝚗 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚗𝚎𝚠 𝚜𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕, 𝚜𝚑𝚎 𝚊𝚌𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕�...