Chapter Thirty-Six: CONFIRMED

66 11 49
                                    

RJ's POV


A month has passed and I thanked God na naging maayos na ang pamilya namin.

Pinag-usap ko si nanay at tatay para magkaayos na sila. Noong una, ayaw pa ni nanay. Pa-hard to get pa. Hahaha. Kaya naman tudo suyo at ligaw ang ginawa ni tatay. Nakakatuwa nga sila eh. Para silang mga teenager na may LQ. SANA ALL may ka-LQ. Charot. Inggit na naman si ako kasi yung crush ko di ako crush. Saklap naman.

So ayun na nga. Nagkapatawaran na nga sila sa isa't isa at naging maayos na ang lahat. Nabigyan ng pangalawang pagkakataon si tatay at nangakong di na niya uulitin ang kanyang ginawa dati. Hindi na daw niya kami lolokohin ni nanay.

Natupad na ang matagal kong pangarap na ma-kumpleto ang pamilya. Buti na lang hindi sumuko si tatay sa paghahanap sa amin ng maraming taon. Ilang taon din yun ah. Pero natiis ni tatay ang paghahanap at pagtatrabaho ng sabay. Kaya naman proud ako sa kanya.

Kami naman ni nanay, namuhay na wala siya. Ni hindi namin naisip na hanapin siya at namulat ako sa maling rason kung bakit kami nawalay sa kanya. Nakakalungkot din isipin na sa mahabang panahon, ni hindi ko man lang na-open up kay nanay na hanapin siya. Nagi-guilty nga ako eh.

Pero okay na yun ngayon. Ang importante na ngayon ay magkakasama na ulit kami.

Lumipat na kami sa bahay ni tatay. Medyo malayo sa CSU pero hatid-sundo naman daw ako ni tatay. Gagawin na daw niya lahat ngayon ang mga hindi niya nagawa noong hindi kami magkasama. Kaya um-oo na lang ako. Gusto ko naman maranasan yun eh kahit bine-baby niya ako. Hehehe.

By the way, nandito ako ngayon sa library at kasama ko si Aaron.

Nagre-research kami para sa Research Study namin of course. Ano pa ba ang nire-research? Hahaha.

Magkaharap kami.

Wala kaming schedule for OJT today dahil may mga ilang subject pa rin kaming kailangan i-klase bago kami tumunton sa pagiging graduating student.

Pasulyap-sulyap ako kay Aaron.

Pasulyap-sulyap pa kunwari... Sige kumanta ka pa diyan bes konsensiya. Ganda ng boses mo no? Haha.

Gwapo rin naman ang isang to. Kung mag-aayos lang din siya gaya nina Maky.

And speaking of Maky the Boss Devil, ayun nawala na lang bigla kasama ni Emman.

Igawan ko na lang daw siya ng research study niya tutal naman daw P.A. niya ako at para naman daw may ginagawa ako. Di ko alam kung bakit dean's lister eh parang hindi naman nag-aaral.

So anyway, nakatitig nga ako kay Aaron ngayon. Habang tumatagal na tinititigan ko siya ay parang may kahawig siya. Parang nakita ko na ito. Pero di ko lang maalala. Hmm.

Napansin ata ako ni Aaron na tinititigan ko siya kaya naman napatingin siya sa akin. Inayos niya yung salamin niya bago siya magsalita.

"Why are you looking at me like that?" curiosity is plastered in his handsome face. Wow. Straight English yun ah. Hahaha.

"Bakit? Bawal tumingin?" tanong ko naman sa kanya. Asarin ko nga rin ang isang to. Hahaha.

"But you are staring."

"Bawal mag-stare?" tumaas ang isa kong kilay.

"No, but I'm not comfortable with it."

"Arte mo. Edi huwag." nag-pout ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro na related sa research study.

Pero wala pang ilang minuto ay napatingin na naman ako sa kanya.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon