AUTHOR'S NOTE

43 5 0
                                    

Acknowledgement


Hello!


Sa lahat po ng umabot hanggang dito, gusto ko po kayong pasalamatan sa lahat ng suporta at pagtangkilik sa kwento nina RJ at Maky. Salamat po sa walang sawang pagsubaybay kahit na slow update ito. Salamat din po sa pagiintindi sa mga typos, action taggings at mga grammatical erros nito. Sa mga nag-vote at nag-comments, paulit-ulit ko pong sasabihin sa inyo na I really, really appreciate it. Yung mga votes at comments niyo po ang nagtulak sa akin na ituloy at tapusin ang kwentong ito. Kung hindi po dahil sa inyo, wala pong The Certified Nerd na mabubuo kaya maraming, maraming salamat po sa inyo. Sana po ay may natutunan po kayo sa kwentong ito.


Nais ko ring pasalamatan ang kauna-unahang kaibigan ko dito sa Wattpad. Inyang o si amazinggalien/ariesth. Kung  makakarating ka man sa part na to, gusto kong malaman mo na super thankful ako sa iyo kasi ikaw yung kauna-unahang tumangkilik sa story ko hanggang sa igawan mo ako ng book cover. Kung hindi sa iyo at sa iyong suporta, hindi ko matatapos tong kwentong to kaya thank you so, so much ading ko. Lahams kita. Alam mo yan.


To my family and my boyfriend, sobrang thankful din ako sa kanila sa kanilang suporta sa akin kahit na lately lang nilang nalaman na may story na pala akong natapos. Ngayon lang nila nalaman na writer na pala ako. Hahaha. Nakikita ko rin na proud sila sa akin kahit hindi pa nila nababasa itong story na ito. Inaantay na lang nilang maging physical book ito since wala naman silang Wattpad account. Hahaha. And hopefully ma-publish ko rin ito at maging physical book.


And most especially, to God, I thank Him for giving me this talent although lately ko lang din na-discover. Hehe. I want to share a short testimony. Since bata pa ako, elem. days, wala talaga akong talent sa writing kaya hindi ako sumasali sa mga journalism ganun, wala akong kaextra-extra curriculars. Hahaha. Hanggang sa mag-high school at college, as in wala akong talent sa pagsusulat. Yung mga essay ko, simple lang. Pero mahilig ako magbasa ng mga pocketbooks noon (H.S. to Col.). And then Wattpad came. Wala akong ideya na magsusulat ako noon, ang alam ko lang hanggang taga-basa lang ako.

Yung unang sinulat ko noon dito sa Wattpad is noong 3rd year college na ako at nagkaroon ako ng one-sided love (wala ng tago-tago to. Hahaha.) Dito ko nilabas noon yung mga hinanakit ko noon. (naks, hinanakit talaga. Hahaha.) Pero naka-unpublish na ito sa kadahilanang ayaw kong ma-expose yun since non-fiction siya. Hehehe. So anyway, kaya dun nagsimula na sinulat itong The Certified Nerd. Pero... yes may pero, nag-hiatus ako ng ilang mga taon, nag-uninstall ako ng Wattpad app. tapos nagka-pandemic at nag-lockdown, dahil sa boredom nag-install ulit ng Wattpad app. kaya natapos din sa wakas pero slow update. Hahaha.

Pero di pa rin ako makapaniwala na nakatapos ako ng isang nobela. Kasi wala akong plano or plot sa story na ito, nagdebate pa yung mga konsensiya ko sa likod kung happy ending ba o hindi hanggang sa iyon na nga, nanalo ang walang forever. Choss. Pero may forever kay God, tandaan niyo yan. Kaya sobrang thankful din ako kay God kasi na-discover ko tong talent na ito. I know and I believe na galing sa Kanya tong talent kong to. And without His wisdom, guidance, strength, patience and love, hindi ako aabot sa puntong to. Kaya thank You, Papa God!


Again, thank you so much at mahal na mahal ko po kayong lahat.


TO GOD BE THE GLORY!


~ Binibining Mayo ~


#TheCertifedNerd

#MakLyn

#RashVin


✨✨✨

🎉 Tapos mo nang basahin ang 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃 🎉
𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon