Maky's POV
Sa wakas ay nagka-POV na din ako. Bakit pa kasi mas nauna pang nagka-POV yung panget, lampa at nerd na yun. Ang sarap lang burahin yun dito sa kwento. Wala na siyang ginawa kundi ang sirain ang araw ko. Napakalampa naman kasi. Ayaw na ayaw kong nakikita yung panget niyang pagmumukha pero sa kasamaang palad, classmate ko pa siya.
Ang sarap lang mag-transfer ng ibang school, kung pwede lang. Pero siyempre, wala na akong magagawa. Nandito na ako. Nakapag-enroll na ako. Itutuloy ko na to hanggang grumaduate na ako. Malapit na rin naman eh. 2 years na lang. Bakit pa ako magtra-transfer diba? Nang dahil lang sa panget, lampa at nerd na yun, magtra-transfer na ako? NO WAY.
Anyway, should I still introduce myself?
Aba siyempre para mas makilala pa ninyo ako.
My name is Mark Devin Morrison. They call me Maky, but close friends only. If we're not close then call me boss or master, alright?
And Hailey? Yeah, she's my big sister. But I don't want to call her "ate". Kayo na lang kung gusto niyo. Baka gusto niyo na din siyang amponin. Sa inyo na lang siya. She always gets out of my way. She always acts like my mom. Nakakairita.
Anyway, papunta kami ngayon sa canteen para tumambay muna saglit bago pumunta sa training namin sa basketball. Kasama ko sina Steve, Chris at Emman. They are my friends since high school, we're schoolmates and classmates as well. But now we're in college, we didn't take the same courses, of course. Ano yun? Kelangan pare-pareho ng course para barkada goals? We have different dreams anyway, that's why.
Pagpasok namin sa canteen. Putek, nandoon na naman si panget. Nakatingin siya sa amin. Nagwa-gwapuhan siguro sa akin to. Sino naman ang hindi diba? May mga babae pa ngang kinikilig diyan sa tabi kasama pa nila mga gay friends nila na kinikilig din.
Ganyan kami ka-gwapo. Nope. Ganyan ako ka-gwapo. Ako lang pala ang gwapo sa amin. I am more handsome than my friends though. Kulang pa sila ng ilang ligo. Tsk.
Anyway, the ugly nerd is approaching us. What is she doing? I looked at her from head to toe and raised my brow. At habang papalapit siya ay biglang...
...nadapa siya at lumipad na naman ang pagkain niya sa akin.
I looked at her so badly. Wala na ba siyang ibang alam kundi ang bwisitin ako at sirain ang araw ko??! Nauubos ang pasensiya ko sa panget na to.
Habang tumatayo siya sa pagkakadapa ay nilapitan ko siya at kwinelyuhan paangat para makatayo na siya ng tuluyan. Kinuyom ko agad ang aking kamao at susuntukin na sana siya ng biglang mag-ring ang bell.
Takte! Malapit na eh. Matatamaan na siya sa akin. Pinalampas ko nung una pero ngayon hindi na.
Itutuloy ko pa rin sana ang pagsuntok sa kanya nang magsalita si Steve.
"Dude, bitawan mo na siya. Magpapalit ka na ng damit at baka ma-late pa tayo sa training."
At sinang-ayunan naman ito ni Chris. "Oo nga dude, tara na."
Pagkasabi nila yun ay binitawan ko na ang damit ng panget at lampa na to. Bwisit, makakatikim na sana siya eh, nag-ring pa ang bell. Sa susunod talaga, hindi na siya makakalusot pa. Sisiguraduhin kong makakatikim na siya sa akin sa susunod.
Right now, we're on our way to our locker and we're going to change our clothes to our jersey. We will be having our first training on basketball today. It is my first sport and the next is lawn tennis. I am a fan of Prince Tennis though. The anime one.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃
Teen Fiction[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 𝚁𝙹 𝚊𝚗𝚍 𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚟𝚎 𝚘𝚞𝚝 𝚝𝚘 𝚊 𝚗𝚎𝚠 𝚙𝚕𝚊𝚌𝚎. 𝙰𝚗𝚍 𝚝𝚑𝚊𝚝'𝚜 𝚠𝚑𝚢 𝚁𝙹 𝚝𝚛𝚊𝚗𝚜𝚏𝚎𝚛𝚜 𝚝𝚘 𝚊 𝚗𝚎𝚠 𝚜𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕 𝚊𝚐𝚊𝚒𝚗. 𝙸𝚗 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚗𝚎𝚠 𝚜𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕, 𝚜𝚑𝚎 𝚊𝚌𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕�...