RJ's POV
Nang makaalis na kami ni MJ sa mga mean girls na yun ay nagkukwentuhan naman kaming mag-bestfriend tungkol sa mga studies, may mga ilan rin na hindi ko maintindihan sa mga lessons niya dahil Accountancy naman ang kinukuha ng isang to.
That's why I hate numbers, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niyang mga Financial Statements churva churva ek ek na mga yan. At ang mas nakakatakot pa, may ganyan din na lesson namin for the next few days dahil related din ang accounting sa business world.
Hays, mas nakakatakot pa kesa sa pagiging single.
Huh? Naisingit ko pa yun. Hahaha.
Anyway, habang naglalakad din ay napagkuwentuhan namin ang half pinoy, half korean na crush nitong MJ na to. Si Lee Hyeon Joon. May pinakita pa nga siyang picture niya eh. Sikat siya na model dito sa Pililinas at umaakting din daw.
Ang sobrang gwapo nga niya talaga at ang ganda ng katawan. Ehem ehem. Tong si MJ kasi eh, yung pinakitang picture ba naman eh yung wala pang pang-itaas. Eh di kita ang ang naked body niya, at may six-pack abs pa siya. OMZ! My virgin eyes!
Sabi ba naman niyang huwag ko siyang agawin. Ang childish lang talaga.
"Akin lang siya RJ ah. May Maky ka naman na eh. Hehehe." sabi niya. At Maky?!
"Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan!" gulat na sabi ko sa kanya na pinamulatan siya at may kasama pang hampas na di malakas. Pero sana nilakasan ko na lang. Haha.
"Bakit? Totoo naman ah. Ang defensive masyado bespren ah. Hahaha." sabi niya na ngingisi-ngisi pa. Itong talagang taong to.
"Itigil mo yan MJ ah. Hindi ka nakakatawa." seryoso kong sabi sa kanya. Totoo naman ah. Hindi nakakatawa. Kahit bespren ko to makakatikim sakin to.
Bakit naman ba kasi inili-link niya ako kay Maky? Eh boss ko lang naman siya. My boss devil. Hahaha. Atsaka link? Showbiz lang teh? At nagbabalik na po si bes konsensya. Isa ka rin, tumigil ka.
Tumawa lang si MJ. "Sarrey na. Ito naman, di na mabiro. Hahaha."
"Shatap MJ ah. P.A. niya lang ako. At malayong magkagusto ako sa kanya. At ganun din siya." seryosong sabi ko sa kanya. Totoo naman eh. Never akong magkakagusto sa kanya no. Hindi ko siya type. Hmp.
"Aba! Wala akong sinabing ganyan ah." sabi niya nang nakangisi at nagtaas-baba pa ang kilay.
Oo nga naman. Hehehe. Ah basta ganun pa rin yun.
Hindi ako nakasagot kaya nagkamot na lang ako sa ulo.
"Anyway, I'm hungry. Tara! Milktea tayo. Libre kita." at hinatak na niya ako. Nagpahatak naman ako. Libre eh. Hahaha.
"G! Tamang-tama gutom din ako. Kaya nga bespren kita eh. Hahaha." abay gora talaga ako, masamang tinatanggihan ang blessing no.
Nakapila na kami ni MJ at pumipili na kami ng o-orderin naming milktea nang makita kong pumasok si Ate Hailey, yung kapatid ni Maky. Sobrang ganda niya talaga.
Sa buong araw sa school, parang hindi siya na-stress. Fresh na fresh pa rin niya. Anyway, nasa Sourire Café kami, malapit lang to sa school kaya imposibleng di kami magkikita-kita rito.
"Anong flavor sayo bespren?" tanong ni MJ sa akin kaya napatingin ako sa kanya at siya naman ay nakatingin pa rin sa menu. "Sa akin, uhm, matcha cream puff na lang. Ikaw?" tapos tumingin siya sa akin.
"Uhm..." ang hirap pumili. Ang daming flavors. Mukhang ang sasarap naman lahat. At nabaling sa akin ang isang flavor. Favorite ko to ever since. "Cookies & cream sa akin. Yung RSC." sabay turo sa menu board.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃
Teen Fiction[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 𝚁𝙹 𝚊𝚗𝚍 𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚟𝚎 𝚘𝚞𝚝 𝚝𝚘 𝚊 𝚗𝚎𝚠 𝚙𝚕𝚊𝚌𝚎. 𝙰𝚗𝚍 𝚝𝚑𝚊𝚝'𝚜 𝚠𝚑𝚢 𝚁𝙹 𝚝𝚛𝚊𝚗𝚜𝚏𝚎𝚛𝚜 𝚝𝚘 𝚊 𝚗𝚎𝚠 𝚜𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕 𝚊𝚐𝚊𝚒𝚗. 𝙸𝚗 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚗𝚎𝚠 𝚜𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕, 𝚜𝚑𝚎 𝚊𝚌𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕�...