Chapter Thirty-Nine: HOSPITAL

62 9 22
                                    

RJ's POV


Nakapikit pa rin ako at hinihintay na dumampi ang labi ni Maky sa aking labi. Pero ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa ring dumadamping labi kaya naman unti-unti kong binuksan ang aking mata.

Una sa kaliwang mata at nakita ko si Maky na pigil ang tawa kaya naman minulat ko na rin ang isa kong mata sabay simangot. Umasa ako dun ah. Akala ko makaka-iskor na ako. Charot.

"Hahaha. Nage-expect ka no?" sabi niya habang tumatawa. Buset to. Pinaasa lang ako.

Hindi ko siya pinansin at tumingin ako sa ibang direksiyon at humalukipkip sabay simangot.

"Hey! Tampo ka agad? Ang bilis namang magtampo. Ganda ka?" tumatawa pa rin siya sa likuran ko at pilit akong hinaharap sa kanya. Pero dahil naiinis ako sa kanya ay ayaw kong humarap sa kanya. Manigas siya!

"I'm sorry." sorry? Nag-sorry ang isang Mark Devin Morrison?

Kaya naman humarap na ako sa kanya at seryoso na siya.

"I'm sorry." pag-uulit niya. "I-reserve mo na lang yang first kiss mo sa taong mapapangasawa mo." what? So ibig ba niyang sabihin na hindi ko siya mapapangasawa? O baka naman ayaw niya akong maging asawa?

"Bakit? Ayaw mo bang maging asawa ko o ayaw mo sa akin?" takang tanong ko.

"We still don't know the future. We don't know what will happen for the both of us. Huwag nating pangunahan ang plano ng Diyos para sa atin. Para sa isa't isa. So you have to reserve that first kiss of yours." first kiss of mine? "And mine as well." nahihiya pa niyang sabi sabay kamot sa batok niya.

Di ako nakapagsalita at ipinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi. "Kung tayo ang para isa't isa, then well and good. If it is not, wala tayong magagawa. Just go with the flow and we try our best that nothing will separate us or break us apart."

Tumango-tango na lang ako sa sinabi niya at ngumiti.

"Subukan natin na walang makakapaghiwalay sa atin. Gagawin natin ang lahat para tayo pa rin hanggang huli at ipagdasal natin ito sa Diyos na maging maganda ang relasyon na ito." sabi ko rin sa kanya.

He nodded and we hugged each other. And then I felt that he kissed my forehead.

"Anyway, happiest birthday, love." love?

Pagkarinig ko nun ay humiwalay ako sa akap at tumingin sa kanya with a questioning look. He mouthed "what?".

"Love?"

"Did... did I say love?" I nodded. "I didn't say anything." and he looked the other way.

"Anong wala. Narinig ko mismo. Narinig mismo ng tainga ko yung love."

"No, I didn't. Ang korni kaya."

Nagkasagutan na kami hanggang sa makababa kami ng Ferris Wheel.

Namasyal pa kami ng kaunti at nanood ng fireworks and then we get home afterward.




A month already passed at many things happened again within those days. Going strong ang relasyon namin ni Maky kahit minsan nag-aaway dahil sa selos. Sino ang nagseselos? Siyempre ako, ba't ko pa ide-deny diba?

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon