Chapter Thirty: NOSE-TO-NOSE

54 14 66
                                    

Maky's POV


Galing ako sa hangout place naming magbabarkada. Nagda-drive na ako pauwi.

While driving, my phone rings and then stops ringing. Nantritrip ba yang tumawag? Baka scammer or baka yung mga nagpa-prank nang "Salamat Shopee". People nowadays.

Anyway, pagkatapos mag-ring ng phone ko ay nag-beep ito. So it means, may nag-text. Ano ba naman yan.

Kukunin ko na sana ang phone ko na nakalapag sa may passenger seat pero wala ito. Saan naman nagpunta yung phone ko?? Inilapag ko lang diyan kanina pagkaupo ko ah.

And then I remembered, I made a sharp curve a while ago in the corner. Baka nadulas lang yung phone ko.

Tumingin ako sa baba sa may passenger seat and then boom! Panes! LOL. Ayun, nakita ko. Nadulas nga talaga kanina.

I am reaching for it while driving.

Nang makuha ko ito ay sakto namang may tumawid na babae. Mabuti na lang at nakapag-preno ako kaagad at hindi siya nabangga. At dahil na rin siguro sa gulat ay nahulog niya lahat ang kanyang bitbit na mga ewan. Hindi na ako nag-abala pang tignan.

Tutal naman hindi ko siya nabangga at wala naman siyang natamong sugat ay aalis na ako.

Magmamaneho na sana ako ulit ng bigla niyang hinampas ang kotse ko. What the?! Did she just hit my car??

"HOY! BUMABA KA DIYAN! HUWAG KANG DU-DUWAG DUWAG! HARAPIN MO KO!" sigaw nitong babae. Is she crazy? Hindi naman siya napano ah.

Kaya naman bumaba na ako para harapin siya.

"Are you out of your mind?? Are you crazy?!" kunot-noong sigaw ko rin sa kanya.

"Crazy crazy ka diyan! Muntik mo na akong mabangga! Magpapakamatay ka ba?? Pwes! Huwag mo akong idamay!" pasigaw pa rin niyang sabi sa akin. Why is she shouting? I'm not deaf though.

"Magpapakamatay?? Baka ikaw! Tatawid-tawid ka kasi, eh alam mong may dadaan na sasakyan!" I don't know why am I arguing to this crazy woman. Hindi naman siya napano. Nakakairita!

"Marunong ka palang mag-tagalog tapos inenglish-english mo ako diyan! Excuse me lang ha! Red na kasi yung traffic light kaya tatawid na ako! Kaya inaasahan ko na titigil din ang mga sasakyan!" sabay turo niya sa traffic light.

Tinignan ko naman ang traffic light. Jeez. Oo nga. Lintik kasi nung taong nag-text eh.

"Pero kahit na! Dapat tinignan mo pa rin kung may sasakyan o wala!"

"Aba! Wa-" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita ulit ako.

"Hep! Hindi ka naman napano kaya makakaalis na ako." sabay talikod sa kanya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang may tumama sa akin. Sapol pa sa ulo ko. What the?!

Tinignan ko yung bagay na nasa sahig na tumama sa akin at kamatis ito. Buti na lang at hindi malakas ang pagkakabato sa akin kung hindi, mangangamoy kamatis ako at siguradong madudumihan din ako.

Tinignan ko ng masama ang babaeng baliw na to na ngayo'y nakangisi at nakataas ang isang kilay.

Umigting ang aking panga dahil sa galit.

"Ano?" sabi niya sa akin.

"What is your problem?! Sa pagkakaalam ko hindi naman kita nabangga ah! At higit sa lahat! Wala ka namang natamong sugat!" galit na sabi ko sa kanya. Galit na talaga ako.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon