Chapter Sixteen: UN/LUCKY

73 17 44
                                    

RJ's POV


Iminulat ko ang aking mga mata.

Nasa isang kwarto ako at di ko alam kung nasaan ako.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang bestfriend kong si MJ na nagse-selfie.

Napangiti ako dahil alam kong nandiyan ang kaibigan ko para damayan ako sa mga pagsubok ko sa buhay.

Malabo man ang paningin ko pero alam kong siya yan. Kahit kailan kasi talaga, ang hilig niyang mag-selfie.

Kaya naman tumikhim ako at narinig naman niya kaya napalingon siya kaagad sa akin.

"Thank God you're awake! Are you okay na?" sabi niya sa akin na may bakas na pag-aalala sa kanyang boses.

"Oo, okay na ako. Asan ba tayo?" tanong ko dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan kami.

"Nasa infirmary tayo ng school. By the way, good to know that you're okay now." bakas sa kanyang boses na guminhawa siya sa kanyang narinig.

Naalala ko. May bumuhat sa akin kanina. Pero wait, ilang oras ba akong walang malay? "Ilang oras ba akong walang malay bespren?"

"Isang oras lang naman." sagot niya sa akin na nakatingin sa phone niya.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko. "Wait. Kaya mo ba sarili mo?" natawa naman ako sa sinabi ng bespren ko.

"Okay na ako. Kaya ko naman talaga maglakad eh. Di naman ako napano. Nahimatay lang." nagpause ako at umupo ako ng maayos. "Pero, oo nga pala. Sinong nagbuhat sa akin kanina? Ikaw ba?" tanong ko sa kanya. Di ko na kasi nakita pa kung sino yung bumuhat sa akin kanina eh.

"Kung pwede lang, ako na sana talaga pero naalala ko, mabigat ka kaya tinawagan ko si Maky. At siya ang nagbuhat sayo." nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata sa narining.

"Seryoso?" hindi pa din kasi ako makapaniwala. Binuhat niya talaga ako? Inamoy ko ang sarili ko at ang baho ko dahil sa flour, egg at kamatis ni binato nila sa akin kanina. At napansin naman ni MJ ang inakto ko.

"Oo seryoso. At hindi siya nagalinlangan na buhatin ka kanina kahit ganyan ang sitwasyon mo. At nakita ko kanina nag nag-alala din siya sayo." seryoso niyang sabi sa akin. Seryoso siya? Kapag ganitong seryoso ang usapan ay hindi siya talaga nagsisinungaling.

"Ganun ba?" yan na lang naging sagot ko. Kapag nagkita kami ni Maky, magpapasalamat talaga ako sa kanya. "Anong oras na ba?"

"Quarter to six na." sagot ni MJ sa akin. Nakatingin pa rin siya sa phone niya at parang nagtatype.

"Ano?! Tara, uwi na tayo. Asan na ba yung eyeglass ko?" gulat ko sa oras dahil dapat kanina pa ako nakauwi. Baka mag-alala pa si nanay.

"Eto oh. Medyo basag na dahil sa pagkakadapa mo kanina, nahulog ata." pag-aalalang inabot niya sa akin ang eyeglass ko.

Na-speechles ako pagkakita ko sa eyeglasses ko, nalungkot na lang ako sa kagalayan nito. Basag na talaga salamin nito. Dahil siguro sa impact ng pagkakahulog nito nang madapa ako.

"May kilala ang mom ko na ophthalmologist, ire-refer kita dun para mabigyan ka ng malaking discount." sabi pa niya.

"Ah hindi, okay lang. Okay pa yata to eh." at sinuot ko ang salamin ko. Hindi pala okay pero nakakakita pa naman ako.

Gagastos pa ako sa pagpapacheck-up ng mata ko tapos sa pagpapagawa ng bagong salamin. Tumingin ako sa bespren ko at malungkot siya.

Kaya naman nagsalita ako ng masigla. "Bakit ka malungkot diyan? Mas malungkot ka pa kesa sakin. Ngumiti ka nga diyan. Tignan mo oh, nakikita pa naman kita gamit nitong salamin ko. Ang ganda ganda mo parin." sabay turo ko sa salamin na nakangiti. Pagpapagaan ko sa loob niya. At effective naman dahil ngumiti siya.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon