Chapter Thirty-One: PREPARATION FOR THE MASQUERADE BALL

66 12 66
                                    

RJ's POV


A week has passed and today is the day of the Masquerade Ball. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kinakabahan ako na nae-excite. Ano ba tong feeling na to? Naranasan ko na rin namang um-attend noon ng JS Prom ah. Parang ganito rin lang naman katulad sa JS Prom diba? Ang ipinagkaiba lang ay may maskara lang na susuotin.

Pumunta kami kaninang umaga ni Ate Hailey sa boutique ni Tita Lorraine para tignan na yung sukat ulit sa gown namin. Okay na okay na siya. Hindi pa namin kinuha ni Ate Hailey dahil ipapadala na lang daw mamaya sa bahay. 8:00 pm pa naman magsisimula ang ball eh.

May susundo na daw sa akin sabi ni Ate Hailey pero hindi ko alam kung sino. May ipapadala na rin daw si Ate Hailey na make-up artist at hairstylist na mag-aayos sa akin. Grabe. Eto talaga yung first time. Iba talaga kapag mayaman no? Magagawa mo lahat ng gusto mo.


Sa mga nakaraang araw din pala hindi ko na muna ginamit yung contact lens ko kaya nag-eyeglass na muna ako kapag pumapasok ako sa school. Para naman may surprise na ganap mamayang gabi. Hihihi. Pero may masu-surprise nga ba? Siguro oo kasi na-surprise din sila sa na-rebond kong buhok noon eh. Lalo na si MJ. Hahaha.

Anyway, it's already 5 p.m. at nakatingin ako sa high heels at sa maskara ko. Nandito ako sa may sala ngayon. Maaga nga rin umuwi si nanay galing sa trabaho para daw makita niya ang unica ija niya. Ang sweet naman. Charot.

Habang nakatitig ako sa high heels at maskara ko ay tumabi siya sa akin sa pagkakaupo.

"Anak, excited na akong makita ang magiging itsura mo sa ball niyo." bakas nga talaga sa boses niya ang excitement.

"Ako nga rin nay eh. Pero may halong kaba."

"Bakit ka naman kakabahan anak? Sigurado naman ako na isa ka sa pinakamaganda mamayang gabi." encouragement na sabi ni nanay. Pero yung pinakamaganda? Naku nay, don't expect that. Sigurado akong mas maraming mas magaganda mamayang gabi.

"Pinakamaganda ka diyan nay. For sure naman nay na mas magaganda yung mga iba kasi mas mayaman sila. Sigurado ako na paggagastusan nila ang gagamitin nila mamayang gabi." siyempre given na yun no at bakit ang haba ng explanation ko? Hahaha.

"Eh pati naman ikaw diba?" napaisip ako. Pinaggastusan nga pero hindi naman galing sa bulsa ko.

"Pero nay iba yun. Kasi ako, hindi naman ako ang gumastos. Si Ate Hailey nga lahat gumastos eh." which is totoo naman. Ni isang piso, wala nga akong nagastos. Hays. Naisip ko, nakakahiya tuloy.

"Kusa naman anak eh. Hindi mo naman siya pinilit." sabay ngiti. Kung sabagay, kaya nga sobrang thankful din ako sa kanya. Hindi ko sasayangin tong effort niya at mga nagastos niya para sa akin. "Maghahanda na ako ng hapunan. Hindi mo ba ako tutulungan?"

"Aeh, sige po."

Tumayo na kami at pumunta sa may kusina at maghahanda ng hapunan namin.


Habang naghahanda ay may tinanong si nanay.

"Anong oras pala nila dadalhin dito yung gown mo anak? Excited na akong makita." halata sa mukha ni nanay na excited siya.

"Malapit na siguro nay. Mga 5:30 to 6 siguro." tumango si nanay at nagpatuloy na kami sa pagluluto.


Maga-alas sais na nang pinadala yung gown ko. Si nanay, manghang-mangha at tuwang-tuwa sa gown ko. Sino ba naman ang hindi eh ang ganda ganda.

"Wow anak! Ang ganda ganda ng gown mo. Sigurado ako na mahal to." sabay lapit niya sa gown na gagamitin ko mamaya. Hinaplos-haplos pa niya.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon