"Sure you have everything?"
"Yes Mom, I have everything I neeed with me."
"Good. See later then."
"Mom be sure na pupunta ka. I want you to be there. Those kids is adorable matutuwa ka sa kanila."
"Oo pupunta ako. Si Wil ba makakarating?"
"Ewan ko don, alam nyo naman ang trabaho nun, hindi basta basta pwedeng iwan."
"Kaya ba hindi mo na rin inaasahan ang Papa mo na makarating?"
"I don't keep my hopes up pagdating sa kanya. I gotta go Ma, see you later okay?"
"Sige. I'll be there. I won't miss this sana lang isa sa mga apo ko ang kasama sa show."
"hay naku! Eto nanaman tayo."
"Sige na nga lumakad ka na," pagtataboy ng ina kay Andi.
Graduation ng mga batang tinuturuan nila ng ballet at isang presentation ang kanilanng inihanda para sa mga nagsponsor ng project. Lahat ay naging abala sa paghahanda upang maging matagumpay ang magiging palabas sa araw na ito. Dito na makikita ang bunga ng kanilang paggod. Ang lahat ay excited sa pagdating ng oras.
Unti unitng napupuno ang auditorium ng isang pampublikong paaralan kung saan itatanghal ang munting palabas pasasalamat sa lahat mga tumulong upang maging matagumpay ang unang outreach project para sa mga batang interesado sa ballet.
Dumating na rin ang ilan sa mga primary sponsor ng programa. Ang mga magulang ng mga batang magtatahal ay nakaupo na rin sa kani kanilang mga puwesto at halatang mas kabado pa kesa sa kanilang mga anak.
"Kamusta sa labas?"
"Madami ng tao. Ready na ba sila?" na ang tnutukoy ng kamasahang nagtuturo ay ang mga bata.
"Kanina pa. Excited na nga."
"Hindi ko maimagine na nagawa natin 'to. Hindi pumasok sa isip ko na magiging career ko ang magturo ng mga bata."
"Pareho lang tayo Marriel, hindi ba nga nung una ang daling kong mapikon sa kanila kapag hindi nila makuha kahit paulit ulit na nating itinuturo. Pero ngayon proud ako na nagawa natin 'to."
"Nagagawa natin ang gusto nating gawin at nai-share pa natin sa kanila. Iba pala ang pakiramdam. Overwhelming."
"Sinabi mo pa."
Ang pagdilim ng buong paligid kasabay ng paliwanag ng entablado ang hudyat na magsisimula na ang palatuntunang nakaabang. Isa isang binigyan puyag ang mga tumulong upang maisagawa ng matagumpay ang programa. Ang mga nagbigay ng financial support. Ang mga nagturo sa mga bata at ang mga magulang na sumuporta sa mga anak.
At bilang pasasalamat sa lahat ang mga bata ay naghanda ng munting palabas upang ipakita ang ang bunga ng kanilang mga itinulong. Sa saliw ng tugtugin sabay sabay ipinakita ng mga bata ang talento at galing sa sayaw na kanilang sinanay. May kurenta minuto rin nagpakitang gilas ang mga bata at nag matapos ay masigabong palakpakan ang pinakawalan ng mga manonood na napatayo sa kanilang mga kinauupuan.
Hawak kamay ang mga bata ng humilera sa harap ng stage at likod naman ang limang ballet instructor na nagtiyagang maturuan ang mga bata at sabay sabay nilang iniyuko ang kanilang mga ulo. Matapos na batiin ng mga instructor ang mga bata ay masaya silang bumamaba at nagtungo sa mga sponsor sa nakaupo sa harap upang personal na ipaabot ang kanilang mga pasasalamat.
May kaunting salo salo rin na inihanda para sa lahat. Dito na nagkaroon ng pagkakataon ang iba upang batiin ang mga nagperformed pati na rin ang mga nagturo sa kanila. Masaya ang mga bata ng nagpunta sa kanilang mga magulang na hindi rin maitago ang galak na nararamdman.

BINABASA MO ANG
So?!...Are You In?!
RandomMinahal kita ng higit sa akala mo. Kung sa tingin mo bale wala ka lang sa akin nagkakamali ka. Simula pa lang alam mo na hindi ako showy sa kung ano man ang nararamdaman ko. Mahirap para sa akin na ipakita ang nararamdaman ko dahil natatakot ako. Na...