“Doc Wil may bisita ka sa labas,” tawag ng isang nurse kay Doctor habang nasa doctors lounge ng ospital.
“Sino?”
“Andi daw po,” agad napatayo sa pagkakaupo ang doctor at lumabas upang puntahan ang bisita nasa information desk. “Hey,” masayang bati niya ng makalapit dito. “Napadaan ka?”
“Dadalawin ko sana si Dad kaso umalis daw baka mamaya pa bumalik. May meeting yata or something.”
“Ganyan talaga ang mga importanteng tao, mahirap hanapin.”
“E, bakit ikaw madaling hanapin. Importanteng tao ka rin naman.”
“Well, lets just say somebody’s lost is somebody’s gain. Kaya imbes na father mo, ako itong nasa harapan mo.”
“Ewan ko sa’yo. Hindi ka ba busy ngayon? Baka nakakaistorbo ako?”
“Im on break. Would like to eat me?”
“What?” gulat na tanong ni Andi sa tanong ni Wil at nakakaloko pa ang ngiti nito na nakapagpainit pa ng kanyang pisngi. “Ano ka ba?”
“Bakit?” parang ewan na balik ng tanong ni Wil.
“Baka marinig ka nila.”
“So? Bakit ano ba masama sa sinabi ko?”
“Ay naku, dyan ka na nga. Alis na ko.”
“Hey,” awat ni Wil sa braso ni Andi bago pa ito makatalikod sa kanya. “Tara kain tayo samahan mo kong maglaunch bago ka umalis.”
“Ano ipapakain mo sa akin? Chocolate bar?”
“May nagbigay sa akin ng food samahan mo kong ubusin,” yaya ni Wil patungo sila sa kuwartong pinanggalingan kanina. “Have a seat. Want some juice? Or tea?” tanong niya patugo sa vendoachine upang kumiha ng maiinom.
“Pineapple,” bago tiningnan ni Andi ang laman ng bag na nasa lamesa. Bukod sa nakalabas ng chicken with rice meron ding checken spag na nasa loob pa ng paper bag. “Ganito ka na bang kalakas kumain ngayon?” pansin pa niya.
“Init ko muna sandali yang spag medyo malamig na.”
May gamit naman sila sa loob ng doctors lounge at free namang gamitin ang mga iyon. May sarili silang ref, may coffee maker, may oven, maging lcd tv at stereo ay meron din sila.
“Bigay ng isang anak ng pasyente ko.”
“Ah.”
“Here, okay na ba sayo ang spag or gusto mo ng rice?”
“Sa’yo na yang rice at pagkapatapos kainin mo na ri itong spag , chicken lang ang sa akin. Mas kailangan mo ng carbo at busog pa naman ako. Parang ayaw kang magutom ng nagbigay nito ha? Lagi ka bang nakakatanggap ng ganito?”

BINABASA MO ANG
So?!...Are You In?!
AcakMinahal kita ng higit sa akala mo. Kung sa tingin mo bale wala ka lang sa akin nagkakamali ka. Simula pa lang alam mo na hindi ako showy sa kung ano man ang nararamdaman ko. Mahirap para sa akin na ipakita ang nararamdaman ko dahil natatakot ako. Na...