Acknowledgement

332 5 0
                                    


Minsan ang pagsunod sa kung ano ang idinidikta ng ating puso at may magandang ring ibinubunga basta sasamahan ng isip. Hindi nating maaring pairalin ang isa lamang sa kanila. Sa lahat ng desisyon na ating gagawin sa buhay dapat ay lagi silang kunukunsulta. Dapat nating inaalam kung ano ang pananaw nila pareho. Kung pareho ba ang kanilang layunin.


Oo may mga bagay na ginawa natin dahil akala natin ito ang makakapagbigay sa atin ng kasayahan, ngunit nakakalimutan nating isaalangalang minsan kung pareho ba itong gusto ng ating isip at puso? Pareho ba silang ito ang gustong mangyari? Dahil kung hindi, kahit kaunting agam agam malaki ang maaring maging epekto, hindi man sa ngayon maaring sa darating na panahon.


Ang oras at panahon na inyong ginugol ay mauwi lamang lahat sa wala. Na baka ang dating magandang pagsasama ay sakitan lamang mapunta.


Kung minsan nakakapanghinayang na makarining ng mga kuwento tungkol sa mga dating nagmamahalan na nauwi lamang sa hiwalayan. Ang madalas nating tanong, anong nangyari? Kung minsan iisipin agad nating baka may naging salwahan sa kanila. Pero kung talagang susuriin, oo meron nagkamali. Merong naging naging salawahan. Pero sino ang dapat tanungin, kundi ano? Sa simula pa lang ba iyon na ang pareho nilang ginusto? Sa simula pa lang ba iyon na talaga ang nais na kanilang puso at isip?


Kung maraming mga bagay ang maaring maging dahilan ng hindi magandang pagsasama, marami ring dahilan upang mailagay sa maayos na estado ang isang relasyon. Dapat lamang nating isa alang alang ang mga bagay na na parehong makakaapekto dito. Wala kang bang pag aalinlangang ibigay ang sarili mo sa iyong kapareha ng buo. Na kaya mong tanggapin ang lahat lahat sa kanya? Kung oo ang sagot mo at handa kang ipaglaban ang inyong relasyon umasa ka na pagdating sa dulo ay sigurado ang inyong magiging tagumpay.


Hindi masamang magmahal maging mali man ito sa tingin ng iba. Ang mahalaga kaya mo itong ipaglaban. Hindi lamang sa una ngunit maging hanggang sa huli.


Hanggang dito na lang po muna ang storya nina nina Wilma at Andrea. Sana hanggang sa dulo ang mapgtagumpayan nila ang mga hamon na kanilang haharapin. Minsan man silang pinaglayo ng panahon ngunit ito rin ang gumawa ng paraan upang mag muling magtagpo ang kanilang mga landas subukin kung hanggang saan ang kanilang itatagal.


Salamat sa inspirasyon guys at nabuo ang story na ito.


Best wishes for the both of you.


End.

So?!...Are You In?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon