Kahit puyat at pagod dahil sa show mailap ang antok kay Andi. Babad sa bath tub ang drama niya to relase the stress. Nasa isip pa rin ang mga kaganapan sa buong araw. Lalo na ang mga oras na magkasama sila ni Wilma.
Matagal na silang hindi nagkita nito. Hindi niya rin expected na tanda pa siya nito. Bata pa lang sila ng magkakilala. Pero hindi sila naging magkaibigan dahil kinailangan nilang umuwi ng China ng mga magulang. Doon na siya nagkaisip. Pero kahit na gaano katagal na hindi sila nagkita hindi niya makakalimutan si Wilma. Ang unang taong nagtanggol sa kanya na hindi niya kaanu-ano.
Kung nabigyan lang sila ng pagkakataon noon malamang naging matalik silang magkaibigan. O higit pa sa kaibigan.
Hinding hindi mawawala sa isip niya ang reaksyon noong hinalikan niya si Wilma sa ilong. Hindi niya inaasahan na tatakbo ito palayo sa kanya matapos ng halik. Siguro nabigla sa ginawa niya. Maging siya hindi niya alam kung bakit niya ginawa 'yon. Basta naisipan lang niyang gawin.
Mahigit kalahating oras ding nagbabad si Andi bago umahon at naghanda ng matulog. Umaga na. Kailangan niyang matulog kahit sandali dahil may rehesal pa sila. At isa pa may plano siyang gawin early in the morning. she want to surprise someone.
Four hour of sleep is better than to no sleep at all. Maagang lumabas ng condo si Andi at nagpunta sa coffee shop. Bago naglakad patungo sa park at naupo sa sa isang bench. Pinanood ang mga nagjojogging. Waiting for the familiar face to come around. Na hindi naman nagtagal ay nasilayan niyang papalapit.
Bumagal ang takbo ng hinihintay ng makita siya nito. Bahagya itong ngumiti at ganon din siya rito.
"Good morning," bati ni Andi sa bagong dating.
"Good morning. Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Wilma.
"Just waiting. Coffee?" sabay sa abot sa dalang coffee na binili kanina.
"Thanks."
"Sinong hinihintay mo dito?"
"Ikaw. Just want to see to you and say thank you for the dinner last night."
"Thank you din, last night lang ulit ako nakakain ng talagang dinner."
"Then we should do it as often as possible, its not healthy for you kung laging sa vendo machine ka bibili dinner."
"Its than an invitation?"
"Will you accept it ?"
"I like it."
Since then lagi ng sabay ng mag dinner ang dalawa basta may free time sa ospital si Wilma. Siya lang naman ang may hectic na schedule.
BINABASA MO ANG
So?!...Are You In?!
RandomMinahal kita ng higit sa akala mo. Kung sa tingin mo bale wala ka lang sa akin nagkakamali ka. Simula pa lang alam mo na hindi ako showy sa kung ano man ang nararamdaman ko. Mahirap para sa akin na ipakita ang nararamdaman ko dahil natatakot ako. Na...