"O, Will saan ka pupunta? Hindi ka ba sasama?"
"Pass muna, may pupuntahan ako."
"May date ka na naman?"
"Date ka dyan? Wala akong date."
"Sus...ano akala mo hindi ka namin kilala. Sa pormang yan...."
"Whats wrong sa porma ko? Ganito naman talaga ako ah."
Nagtinginan lang ang mga kasamahan na nasa locker room
"Ano ba kayo? hayaan nyo na si Dra. Tolentino sa lakad nya.," sabat naman ng isa. "minsan lang maging ganyan yan ka-excited na umuwi," dugtong pa nito.
"Hay, naku dyan na nga kayo, see you tomorrow guys," paalam ni Wilma sa mga kasamahang nang-aasar.
ilang araw na siyang inaasar ng mga kasamahan. Iba raw kasi ang aura niya.Makailang beses na ring nagtanong ang mga ito kung bakit in good mood siya. Since ng may namagitan sa kanila ni Andi ay naramdaman nya rin ang mga pagbabago sa sarili.
Late dinner. Sa condo ni Andi. Nagluto ito ng dinner para sa kanilang dalawa.
"How's work?" tanong ni Andi habang kumakain.
"Medyo busy,"
"Muntikan ka naman palang hindi makarating."
"Hindi ko naman kasi pwedeng basta na lang iwan ang ospital lalo na pag may emergency."
"Alam ko,"
"Huwag ka namang magtampo. alam mo naman ang nature ng work namin di ba?"
"Kumain ka na nga,"
Tumayo si Wilma sa upuan nito at lumapit kay Andi. Mula sa likod ay niyakap niya ito at ginawaran ng damping halik sa pisngi.
"Promise babawi ako sa mga lapses ko." hnigpitan pa rin nito ang mga brasong nakayapos kay Andi na nanatili sa pagkakaupo.
"Oo na...kumain ka na."
"Hindi ka na galit?" hindi pa rin ito natitinag sa puwesto. mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap.
"Hindi ako galit," kinuha ni Andi ang kamay ni Wlima at dinala sa labi. "umupo ka na lalamig ang pagkain."

BINABASA MO ANG
So?!...Are You In?!
عشوائيMinahal kita ng higit sa akala mo. Kung sa tingin mo bale wala ka lang sa akin nagkakamali ka. Simula pa lang alam mo na hindi ako showy sa kung ano man ang nararamdaman ko. Mahirap para sa akin na ipakita ang nararamdaman ko dahil natatakot ako. Na...