"You must be very special to her."
Araw ng linggo nakahanap ng free time si Wil na dalawin ang bestfriend noong college. Isa rin itong doktor gaya niya. Na naging ex. Si Monica.
Naikuwento na niya rito ang tungkol sa kanila ni Andrea. At ang recent encounter niya sa mother nito. Kilala niya ang family ni Andrea dahil kasama ang mga ito sa circle of freinds ng kanyang family. Pero hindi niya kilala ang mga ito personnally.
"Ano pa ang ikinakatakot mo? Dapat nga matuwa ka."
"Ayoko na kasing maulit..."
"Ano yan phobia lang? Magtigil ka nga. Napakatagal ng panahon. Hindi pa rin ba nakakaget over? Teka nga, matanong ko lang, mahal mo ba siya?" sunod-sunod na sabi nito.
"Siguro."
"Anong siguro ka dyan?! Kung binabatukan kaya kita. ano? Siguro?! tingnan mo nga yang hitsura mo. Parang napakalaki ng problema mo. Hindi ka naman naging ganyang nung magkahiwalay tayo. Tapos ngayon sasabihin mo sa aking siguro."
"Oo na. Mahal ko na sya."
"E yun naman pala e. Ano pa ang problema mo? Hindi ko pa siya nakikilala pero base sa mga kuwento mo I can tell na mahal ka rin niya. To think na alam ng mother niya kung ano ka sa kanya. Gusto ko siyang makilala. May balak ka bang i-introduce siya sa akin?"
"Ewan ko, hindi ko alam."
"Wilma ano ka ba? Umayos ka nga. Hindi ka na teenager, hoy."
Parang shunga lang ang dalawa na despite sa naging past nila they manage to stay friends. Remain best of friends.
"Umayos ka nga ng upo," hila ni Monica ang isang kamay nito. "Bumangon ka nga dyan, hindi yan higaan."
"Ano ba?"
"Hoy, kung pumunta ka rito para lang magmaktol aba! mabuti pa umalis ka na lang. Doon ka na lang sa girlfriend mo pumunta. Dahil wala akong balak na lambingin ka para mawala yang topak mo."
Mabuti na lang sanay na si Wil sa ganon ugali ng kaibigan. Siguro kung iba ang makakarinig sa kanila ngayon baka iba ang isipin ng mga ito.
"Hindi mo ba ako papakainin? Nagugutom na ako."
"Malay ko bang pupunta ka. Hindi ako nagluto. Kung gusto mong kumain doon sa ref maghanap ka ng mailuluto mo."
"May ganon?! Ako ang bisita ako ang paglulutuin mo."
"Sorry hindi ka bisita para sa akin. Kaya kung nagugutom ka bumango ka dyan at magluto ka don," utos ni Monica dito.
Bubulong bulog na tumayo si Wil mula sa pagkakahiga sa sofa at tinungo ang kusina.
"May sinasabi ka?"
"Wala."
Dalawang sandwich at dalawang malamig na baso ng juice ang dala ni Wil ng bumalik sa iniwang puwesto. Prente sa pagkakaupo at nakapatong sa mesita ang dalawang paa ni Monica habang nanood ng tv.
"Pati ako ginawan mo ng sandwich ha?" puna pa nito ng mapansing dalawa ang laman ng tray na ibinababa ni Wil.
"Kung ako kaya mong matiis magutom, ako hindi ko kaya. Ano habang nakain ako nanonood ka lang?"

BINABASA MO ANG
So?!...Are You In?!
AléatoireMinahal kita ng higit sa akala mo. Kung sa tingin mo bale wala ka lang sa akin nagkakamali ka. Simula pa lang alam mo na hindi ako showy sa kung ano man ang nararamdaman ko. Mahirap para sa akin na ipakita ang nararamdaman ko dahil natatakot ako. Na...