"What the hell happen to you?" naibulalas na lang ni Andi ng pagbuksan ang nasa labas ng condo unit na walang tigil sa pagpindot ng doorbell.
Isang lasing na Wilma Tolentino ang nga nabungaran niya. Kung paano pa ito nakarating sa kanyang unit ng ganoong kondisyon ay ayaw na niyang alamin pa.
"Bakit ganyan ang hitsura mo?" habang inaalalayan ito papasok sa loob at pinaupo sa sofa. "Anong nangyari sa'yo?"
Imbis na sumagot ay kusang nahiga si Wilma sa sofang kinauupuan habang ang mga binti ay nakasayad pa rin sa simento. Naiiling na lang na iniayos ni Andi ang pagkakahiga nito dahil mukhang walang pag asang makausap pa niya ng matino si Wilma sa ganitong ayos.
Tumawag ito kanina sa kanyang at nagpaalam na pupunta muna sa Binondo. Natapos ang maghapon ay hindi na muli ito nagpramdam. Sinubukan nya rin itong tawag at itext ngunit wala siyang natanggap na sagot mula rito. Ngayon alam na niya kung bakit.
Gustuhin man ni Andi na alalayan ito papasok sa kuwarto ay hindi na rin niya magawa. Hindi naman kalakihan ang pangangatawan ni Wilma pero mabigat ito at hindi niya kakayanin na madala ito ng kuwarto mag isa. Mukha rin naman komportable na ito sa pagkakahiga kaya hinayaan na lang din nya.
Matapos mapunasan, sando at panty brief na lang ang natirang suot ni Wilma. Sandali itong iniwan ni Andi upang kumuha ng unan at kumot sa kuwarto upang mas maging komportable ang tulog nito. Hindi malayong lamigin ito sa paglipas ng magdamag dahil sa suot, centralize ang aircon ng kanyang unit kaya hindi rin niya magagawang patayin o hinaan ang aircon.
Matagal na ring nakahiga sa sariling kama ay hindi magawa ni Andi ang makatatulog. Makailang beses na din siyang nagpaikot ikot sa pagkakahiga. Kung bakit ba naman kasi hindi mawala sa isip niya ang nibyang alam niyang payapang natutulog sa labas.
Hindi pa niya alam ang nangyari pero ito na ang gumugulo sa kanyang isipan.
Ano ba ang nangyari at nagpakalasing ito?
Samantalang hindi naman ito naglalasing. Oo nainom ito pero hindi nito hinahiyaan na kontrolin siya ng espirito ng alak.
Nang hindi makatiis ay nagbangon at lumabas ng kwarto si Andi upang tingnan ang nobyang natutulog sa labas.
"Wilma?" tawag ni Andi na makitang wala na ito sa sofa. Agad tiningnan niya ang pinto. Nakasabit pa rin ang chainlock, siguradong nasa loob pa rin ito ng unit niya. "Wil," muli niyang tawag habang naglalakad patunog sa cr. Hindi nga siya nagkamali. Nakasubsob ito sa toilet bowl halatang katatapos lang ilabas ang laman ng sikmura.
"You okay?" hagod niya sa likod ito habang iniabot ang basong tubig na kinuha. Kinuha naman ito ni Wilma at bunawan ng kaunti. Ilang sandali bago muling kumilos si Wilma sa pagkakaupo sa malamig na flooring ng cr. Alalay naman ito ni Andi sa takot na baka biglang mabuwal.
"Hey," malambing na tawag ni Andi sa pansin ni Wilma ng makaupo ito sa kama na nakatungo. "Maayos din natin 'to," nasabi na lang niya kahit hindi alam ni Andi kung ano talaga ang nangyari. Sa ayos ni Wilma sa ngayon sigradong hindi maganda ang resulta ng lakad nito.
Bahagyang ngumiti sa kanya si Wilma ngunit bakas pa rin sa mga mata nito ang lungkot. Gustuhin man niyang alamin kung ano ba ang talagang nangyari hindi niya magawang magtanong. Ramdam niyang hindi pa rin handa ang kaharap na ikuwento ang dahilan kung bakit ito umuwi ng lasing sa unang pagkakataon.
"Pahinga ka na muna."
"Can I used your bathroom?"
"Oo naman. Kaya mo ba?"
Sa pagtayo ni Wilma muntikan na itong ma out of balance. "Come here," muli inalalayan ulit ni Andi ito papasok ng banyo na nasa loob ng kanyang kuwarto.
BINABASA MO ANG
So?!...Are You In?!
RandomMinahal kita ng higit sa akala mo. Kung sa tingin mo bale wala ka lang sa akin nagkakamali ka. Simula pa lang alam mo na hindi ako showy sa kung ano man ang nararamdaman ko. Mahirap para sa akin na ipakita ang nararamdaman ko dahil natatakot ako. Na...