2

475 10 4
                                    

Late night na nasa ospital pa rin si Wilma. Madaming pasyente ng araw yon. Hindi na rin niya nagawang kumain ng dinner dahil sa sobrang busy. Tinamad na siyang bumaba sa canteen ng ospital para kumain.

Sa sarap ng vendo machine sa second floor namili ng panghapunan. Mostly matatamis ang naroon. Mga chocolate bar. Sa kamalasan nga naman mukhang  wala pa siyang barya sa bulsa.

“Need change?”

Marahang nilingon ni Wilma ang pinagmulan ng boses. Sa may hagdan patungo sa third floor. Familiar na mukha ang sumalubong sa kanya. Maamong mukhang nakangiti sa kanya.

“Here,” sabay abot sa kanya ng baryang kailangan para makakuha ng makakain sa vendo machine.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Dinalaw ang Papa ko.”

“May sakit ang Papa mo?”

“Pwede mong sabihing ganon na nga. Here take it,” giit nito sa barya na ayaw kunin ni Wilma. “Kunin mo na,” at  inabot nito ang kanan niyang kamay at inilagay ang barya.

Nahihiya man ay tinanggap na rin ni Wilma ang barya. Habang namimili kung ano ang kunin ay  nakitingin din sa kanya ang kasama.

“Yan lang ba ang kakainin mo? Take that one, it has more peanut,” turo niya sa chocolate na may bandang dulo.

“Thanks. By the way I’m Wilma.”

“I know,” matapos makipagkamay ay tumaikod na ito palayo. “Its Andi,” dagdag nito bago humakbang pababa.

Isa-isa ng nag aayos para umuwi ang mga kasamahang Doktor at Nurse ng pumasok si Wilma sa locker room habang ang iba ay nakasaubong na niyang palabas.

"Saan ka ba galing kanina ka pa namin hinahanap?"

"Sa taas, tiningnan ko yung last patient. Ayokong umalis ng hindi sure na he's in good condition."

"O, ano na hindi ka pa ba uuwi?" tanong ng isa pa ng makita siyang naupo lang sa may bench at isinandal ang pagod na katawan.

"Mauna na kayo  pahinga muna ako kahit sandali."

"Napagod ba ng sobra?" tinanguan lang ito ni Wilma,  "tara, sama ka sa amin inom tayo."

"Naman?!"

"Wala kang gagawin sa condo mo, alam namin yon. so sumama ka na lang sa amin. Sandali lang tayo two  to three bottle lang uwi na. Para makapagrelax lang. We will not take for an answer. I'll drop you to your condo."

So?!...Are You In?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon