Epilogue

566 13 8
                                    

"Luto na ba 'yan?" Tanong ko habang sinisilip ang niluluto ni Athena.


Sa tingin ko naman kasi luto na 'yung karne. Iba na kasi 'yung kulay, eh. Kanina niya pa 'yon niluluto kaya hindi ko alam kung bakit hindi niya pa inaalis sa pagkaka-grill.


"'Di pa. Pwede ba mag hintay ka d'yan? Kain ka na nga lang ng kain," pagtataray niya. 


Gagi! Anong ginawa ko? Nag tanong lang naman ako, ah! Medyo nakakahurt 'to!


"Tol! Tol! Evict na natin si Athena!" Lumapit na lang ako kay Nathan pero binatukan lang ako ng gago. Pota! Gusto pa ba nila ako maging kaibigan o ano?!


Andito kami sa bahay nila Nathan at nagluluto sa may garden nila. Kakasimula lang ng sem kaya lahat kami may time pa para mag-relax. Bigla akong may narinig na tumatawa ng malakas at nakita kong naglalaro sa may hanging chair sila Hime, Sav, at Bel.


"Dude, look at this!" Klint said and motioned me to go near him. Tangina! May chiks nanaman 'tong ipapakita.


"Okay naman." Pag-agree ko na lang habang pinapakita niya 'yung IG nung gusto niyang landiin. 


Baka i-sama nanaman ako neto sa paglalandi niya kapag nagsabi ako ng compliment sa pinapakita niya. Hinahanapan kasi kami neto minsan ng jowa kahit hindi naman kailangan. Aanhin ko naman ang lovelife? Masaya naman ako sa buhay ko. Isa pa, medyo hindi ako naniniwala sa reto-reto. Sa tingin ko, mas maganda pa rin kapag natural na nangyayare ang mga bagay-bagay. 


Napatingin ako sa sliding door ng biglang bumukas ito at lumabas ang isang babaeng parang walang emotions ang mukha. Sa unang tingin, maganda talaga siya kaya lang wala talagang makikitang reaksyon sa mukha niya.


"Mommy said to give this to you," she coldly stated tapos binigay kay Nathan 'yung dala niyang paper bag.


"Thanks!" Nathan messed her hair kaya napakunot ang noo ng babae. "Gusto mong mag dala sa loob ng pagkain?"


"No thanks! Bye!" She rolled her eyes and walked away. 


Wew! 'Di man lang kami tiningnan o pinansin. Medyo nakakatakot pa tapos intimidating ang itsura.


"'Yun 'yung kapatid mo?" Tanong ko paglapit kay Nathan. He nodded at uminom sa bote niya ng San Mig.


Naaalala ko rin kasi na minsan nakekwento niya ang about sa kapatid niyang babae. Dalawa lang silang magkapatid pero mas matanda siya nang isang taon dito. Ngayon ko lang nakita ng personal ang kapatid niya. Minsan lang din kasi kami pumunta rito sa bahay nila nung high school dahil malayo sa school. 


Lumipas ang mga araw na naging busy na nga sa school. Pota! Ayoko na sa college! Daming pinapagawa! Nandito nanaman ako sa bahay nila Nathan para sa isang project na by partner. Tangina! 'Di na ata kami naghiwalay nitong lalaking 'to.


"Papahangin muna ako, p're," paalam ko pagkatapos namin kumain. He just nodded, busy sa phone niya.

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon