Chapter 18

23.7K 755 58
                                    

Alice

Sumunod sa akin si Carter nang sinimulan ko tahakin ang daan papunta sa cottage namin

"Why you keep following me?" I asked. Bakit ba kasi sya sunod ng sunod?

"Because I want to" he simply replied

Napairap ako

"Go back to your friends"

"They'll be fine without me"

Binalingan ko sya

"And I'll be fine without you" natigilan sya sa sinabi ko

May dumaang iritasyon sa mga mata nya pero agad din yun nawala

"You'd say that to me after the kiss we shared?"

Natigilan ako at parang naumid ang dila dahil sa sinabi nya. Damn! He doesn't need to brought that up!

"And now you're blushing" ngumisi sya at marahang hinaplos ang pisngi ko

Tinabig ko ang kamay nya at tinalikuran sya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. Argh bastard!

Agad kong nakuha ang atensyon ng mga tao sa cottage nang makarating ako

"Saan ka galing?" tanong ni Mella

Hindi ko na nasagot ang tanong ni Mella nang suminghap si Emir. Nakatuon na ang tingin nito sa likuran ko

"Shit! Ang yummy" bulong ni Mella habang may kutsara sa bibig nya at nakatitig kay Carter

"Mukhang matigas yung abs" si Melissa na halos lumuwa ang mga mata

Pinandilatan ko sila na agad naman umayos ng upo

Hinubad ko ang t-shirt

"Alice..." Carter warned

I ignored him and took my own shirt.  Mabilis ko iyong sinuot at nang matapos ay humarap ako sa kanya at inabot ang t-shirt

"Suotin mo" kasi kung di mo napapansin kanina pa naglalaway sayo ang mga babae dito. Hindi lang sila Mella pati na rin yung mga babaeng nadaanan namin kanina

Kinuha nya sa kamay ko yun at sinuot naman nya

Umupo ako sa kawayan na upuan at agad naman tumabi sa akin si Carter. Kumuha ako ng tuwalya sa bag at sinimulang tuyuin ang buhok ko

"Ahm anong ginagawa mo dito Senyorito Carter?" Mella carefully asked

"Maglalaro sya ng golf Mella! Sali ka?" Emir sarcastically said. Napanguso si Mella

"I'm with my friends. Nagkaayayaan lang" tumango si Mella sa sagot ni Carter

"Ang akala ko pa naman sinundan mo si Alice" pinandilatan ko si Mella pero hindi ito natinag at ngumisi lang

"You could say that"

Natigilan kami at napatingin kay Carter

"I heard from Wade that he saw you here so I hurriedly had my way here"

Napanganga ako. Seriously?!

"Wait lang kinikilig ako" Emir said

"Anong skin care mo Alice? Share mo naman" Mella teased

"Naaalala ko na! Siya yung nagpabigay ng juice sayo Alice!" sigaw ni Melissa

So it was really him? Napatingin ako kay Carter

Nakangisi ito habang nakatitig sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay

"Give me that" kinuha nya ang tuwalya sa kamay ko at siya na mismo ang nagtuyo sa buhok ko

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon