Chapter 5

27.1K 758 114
                                    

Alice

Kanina pa nakaalis sila Carter pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa pintuan na nilabasan nila

"May naiwan sila" agad akong napabaling kay Emir

Nilibot ko ang paningin ko. Hinahanap kung ano ba ang naiwan nila

"Really? Anong naiwan nila?" I said as I keep searching for what they could possibly left

"Ikaw ang naiwan nila. Kanina ka pa nakatitig sa pintuan. Feeling ko gusto mo na sumama sa kanila" he snickered

I can't help but rolled my eyes

"You're just imagining things Emir. Bakit ko naman gugustuhin sumama sa kanila?" I asked

He crossed his arms and cocked his eyebrow

"I don't know. You tell me"

I grimaced and stood up

"I'm sleepy. Don't forget to lock the doors" tinalikuran ko sya

"Yes ma'am. Wag mong kalimutan ang sweldo ko" he said sarcastically

I shook my head and went inside my room. I changed into my night gown and laid on my bed

I have to wake up early because the enrollment will be tomorrow

We already sort our documents. Ipapasa na lang namin

Mabilis lang ako dinalaw ng antok siguro dahil na rin sa pagod. I ran different errands earlier though

---

Morning came and I prepared breakfast for Emir and I

"Good morning people!" masiglang bati ni Mella nang makapasok ito sa bahay namin

"Nag aalmusal pa pala kayo. Hintayin ko kayo sa salas" she said smiling

"Nakapag breakfast ka na ba?" I asked

"Oo naman! Hindi pa sumisikat ang araw ay nakapag almusal na ko" she said

Napansin ko rin na maaga nga nagigising ang mga tao dito. Maaga pa lang ay nakikita ko na ang ilan sa mga kapitbahay namin na nagkakape sa may tapat ng bahay nila at naghahanda papuntang bukid or sakahan. I think it's part of their routine or habits to wake up early

Pagtapos kumain ay niligpit na namin ang kinainan. Nadatnan namin si Mella na nakaupo sa couch. Agad itong tumayo nang makita kami

She's wearing a printed blue shirt and pants which she matched with her pink rubber shoes

"Ang ganda mo talaga Alice! Ang kinis mo!" she exclaimed

I blushed with her compliment

I'm wearing a knee-length pink chiffon dress and I matched it with my black low heel sandals

"Dapat icompliment mo rin ako Mella! Wala dapat bias!" ungot ni Emir

Binalingan sya ni Mella

"Grabe ang pogi mo Emir!" she said

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Emir at inirapan ito

"Tss nevermind" nauna na itong maglakad palabas

He's wearing a button shirt and a denim jeans and a pair of white rubber shoes

Humagikhik si Mella at agad na sinundan si Emir. Napailing na lang ako. I locked the door and walked towards them

Pumara kami ng tricycle. Emir volunteered to sit behind the driver so it means it was me and Mella sitting next to each other

We arrived in front of the school and I saw that there are already many students in the school grounds

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon