Chapter 27

21.5K 661 16
                                    

Alice

Inihinto ni Carter ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Masyadong tahimik at parang wala sa amin ang gustong bumasag sa katahimikan

I sighed

"Please tell me that we're good" he almost begged

Tipid akong ngumiti at inabot ang mukha nya. I gently pinched his cheek

"Of course we are, silly" I assured him. Parang nakahinga naman sya sa narinig

Napangiti ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan bago nya pa ako mapagbuksan. Bumaba ako at agad naman syang sumunod

Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa bahay. I took the key from my bag. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang biglang inagaw sa akin ni Carter ang susi at sya na mismo ang nagbukas

He pushed the door and darkness welcomed us. I turned on the switch and scanned the place

"I just need to make a call" kuha ni Carter sa atensyon ko

Binalingan ko sya at tumango. He kissed my forehead then took his phone from his pocket and went outside

Ibinaba ko ang bag sa center table

Tulog na ba si Emir? I glanced on my wrist watch. It's just 9:34 in the evening, usually ang tulog nya ay past 11 or madaling-araw na. It's either he's watching a k-drama or reading a book, sa kaka-last episode or chapter nya ay inaabot na sya ng umaga

"Emir?" I called but I received no response. I went to his room and turned the knob. It wasn't locked. I pushed the door and I didn't find him

Saan pumunta yun? Lumabas ako ng kwarto nya at kinuha ang bag ko sa center table. I took my phone out and checked if there was a message from him. Hindi nga ako nagkamali nang makita ang text mula sa kanya

May pupuntahan lang akong importante. Hindi agad ako makakauwi. Don't forget to lock the doors. Be safe Alice

Napanguso ako at napaisip. Saan kaya sya pumunta? Hindi ba masyadong gabi na para sa lakad nya? Madilim na rin nang umalis kami kanina ni Carter

I tried to call his number but I wasn't able to reach him so I typed a message instead

Where are you?

Sinilip ko si Carter na nasa labas. May kausap pa rin ito sa phone...mukhang importante rin

I went inside my room to get some clothes. Pumunta ako sa bathroom para makapaghilamos. Pagtapos ay muli akong lumabas at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang phone sa may bedside table at nakita ang notification galing kay Emir

'I'll explain everything when I get back. Take care'

I typed a message

'Okay. Ingat sila sayo'

Natawa ako sa sariling mensahe at napailing

Lumabas ako at dumiretso sa may couch. Nakatuon pa rin ang tingin ko sa may phone at naghihintay ng reply ni Emir. Biglang may nagpopped na message galing kay Melissa

'Nakagawa ka ng PowerPoint?'

Mabilis akong nagtyped

'Yes, nasend ko na sa email nyo ni Mella'

I sent it

'Shutangina kinakabahan talaga sa reporting. Buti na lang walang pasok bukas. Kayo na bahala sa akin. Basta taga-next lang ako ng ppt'

Ang bilis magreply. Naalala ko bigla yung nirereklamo ni Melissa nung gumawa ng concept map about sa topic na binigay sa amin. Bakit daw kailangan PowerPoint pa kung pwede naman daw isulat na lang sa cartolina. Nawalan daw sya ng role bilang tagahawak ng cartolina, yun lang naman daw naiiambag nya tuwing groupings lalo na nung highschool

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon